Chapter 54

3.1K 127 4
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 54

Zouie's POV

Lumipas na ang isang buwan at masasabi kong masaya na ako ngayon.

Matapos ng mga nangyaring yun ay nagpapasalamat ako na nandito pa rin ako at buhay na buhay.

Alive and kicking.

Kahit na hindi maganda ang naging araw ng birthday ko dahil nasa clinic ako dahil nga sa nangyari sa akin ay masaya pa rin ako dahil buhay pa rin ako.

Muntik na akong mamamatay sa araw ng kapanganakan ko.

Hindi na kami sumubok pang pumunta doon kahit na malaman naming may ginagawa silang kakaiba doon.

Masyado raw mapanganib at saka, kapag pupunta raw kami doon ay kailangang may plano kami. Hindi raw pwede yung pupunta kami at susugod ng basta basta ng wala mang plano.

Maaga raw kaming mamamatay kapag nagkataon.

Buti nga at nakinig na si Ysa kahit na gusto niya pang magmala detective.

Mas lalo naman akong napalapit kay Kurt Kurt at sa buong kaklase ko sa section októ.

Masyadong mabilis ang araw at hindi mo aakalaing pasko na ngayon kaya nandito kami sa cafeteria at nagcecelebrate ng pasko.

"Merry christmas everyone!!!" malakas na bati ni Seth.

"Merry christmas, Zouie!" bati sa akin ni Kuya Kurt kaya agad ko siyang niyakap at binati.

"Merry christmas din, Kuya!" bati ko.

Nagulat naman ako ng bigla siyang may isuot sa akin na kwintas.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa kwintas na may pendant na pusong magkadikit.

"Baso." sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin kaya naman natawa siya.

"Syempre. Nakita mo na ngang kwintas iyan e tapos tatanungin mo pa kung ano iyan." sabi niya kaya naman napasimangot ako.

"Ang ibig kong sabihin kasi ay bakit mo ako binibigyan nito." sabi ko at ginulo naman niya ang buhok ko.

"Christmas gift ko sa'yo 'yan. Binili ko iyan dati dahil balak kong ibigay 'yan sa importanteng tao sa buhay ko at ngayon sa'yo ko iyan ibibigay dahil ikaw ang importanteng tao sa buhay ko. And also, this necklace is a symbol of my love for you." sabi ko at nanubig naman agad ang mata ko.

"Aww. Ang sweet naman." sabi ni Ysa kaya naman napatawa ako.

Agad ko namang niyakap si Kuya Kurt at doon ko na naramdaman ang pagpatak ng butil ng luha ko.

"Thank you, Kuya Kurt. Sorry at wala akong maibigay man lang sa'yo." sabi ko at ngumiti naman siya.

"Ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama tayo." sabi niya at ngumiti naman ako.

"I love you, Kuya."

"I love you too."

Hades Academy ( Completed )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum