Chapter 2

6.1K 222 13
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 2

Zouie's POV

"Have a sit."

Agad naman akong umupo sa isang upuan sa harap ng mesa niya.

"Good afternoon po." bati ko at tumango naman siya.

"Good afternoon too. So, you want to enroll in this academy?" tanong niya at tumango naman ako.

"Opo. Gusto ko po sanang mag-enroll dito kasi naexpelled po ako sa dati ko pong eskwelahan." sabi ko at napatango tango naman siya.

"Okay. By the way, I'm Madame Sapphire and this man beside me is my husband, Zachary Claus." agad naman akong nabilaukan ng sarili kong laway dahil sa gulat.

Asawa niya yan? Paano? Bakit?

E ang layo ng itsura oh.

Maganda yung babae tapos malinis at mukhang respetadong tao samantalang yung lalaki ay dugyutin naman.

Ops. Sorry kung nanghusga agad. Totoo naman yung sinasabi ko. Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Are you okay?" tanong ni Madam Sapphire at tumango naman ako.

"Okay lang po ako. Huwag niyo po akong alalahanin." sabi ko at tumango naman siya.

"So, what's your name, by the way?"

Umayos naman ako ng upo bago sumagot.

"Ako po si Zouie Raine Martinez." sabi ko at nagkatinginan naman sila.

"Are you a Martinez?" tanong ni manong este... Sir Zachary.

Tumango naman ako kahit naguguluhan. Ano bang meron sa apelyido ko?

Nagkatinginan ulit sila at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti ni Madam Sapphire.

Anong meron?

May kinuha si Madam Sapphire na papel sa kanyang drawer at inabot sa akin.

"Just fill up this form and you will be an official student of this academy." sabi ni Madam Sapphire at agad ko namang kinuha ito at binasa.

Pagkabasa ko ay may isang kumuha ng interes ko.

Libre lahat? As in lahat lahat?

Agad naman akong tumingin kay Madam Sapphire at nagtanong.

"Uhm Madam Sapphire, totoo po bang libre lahat? As in lahat?" tanong ko habang nanlalaki ang aking mga mata.

Excited at masaya lang kasi ako.

Ngumiti naman si Madam Sapphire sa tanong ko.

"Yes. Libre ang lahat dito. Wala ka ng gagastusin kahit isang sentimo. At isa pa, may mga dorm kayo dito na maaari niyong tuluyan. Tigdalawang estudyante bawat dorm. Pero dalawa naman ang kwarto sa isang dorm kaya magkahiwalay kayo ng tutulugan. Magkaiba ang dorm ng babae at lalaki." sabi niya at napangiti naman ako.

Wow! Yehey! Hindi ko na proproblemahin ang mga gastusin dahil lahat ay libre!

"May tanong ka pa ba?" tanong niya at umiling naman ako.

"Okay then. Fill up that form."

Agad ko namang pinirmahan ang form na ibinigay sa akin at ibinigay ko ito sa kanya.

"Oh I forgot. Hindi pala pwedeng lumabas dito sa academy na ito. Whether you like it or not." sabi niya at nanlaki naman ang mata ko. Hindi ko rin naiwasang hindi magtaas ng boses.

"Ano po?!"

Nahihibang na ba sila? Ano? Bakit bawal ng lumabas? Ano yun, ikukulong nila ang mga estudyante dito?

"Calm down. What I mean is hindi kayo maaaring lumabas for your own safety. Maaari kayong lumabas if graduate na kayo." agad niyang paliwanag kaya napahinga naman ako ng maluwag.

Bakit kasi hindi nila agad sinabi. Para naman pala ito sa safety namin.

"Oh." tanging nasabi ko na lamang.

"May tanong ka pa?" tanong niya at umiling naman ako.

"If that's so, come here."

Kahit nagtataka ay pumunta ako doon sa sinasabi niyang lapitan ko. Isa siyang machine.

Pagkatapat ko ay nagulat ako ng may biglang lumabas at I.D. ko pala ito.

"So here's your uniform and your I.D." sabi ni Madam Sapphire at agad niyang ibinigay ito sa akin.

Tinanggap ko naman ito at nagpasalamat.

"Thank you po." sabi ko at ngumiti lang siya.

"So you're now an official student of this academy. Welcome to Hades Academy. Enjoy studying and your staying." sabi niya at nagpasalamat ulit ako.

"And here's your key of your dorm and the name of your section." sabi ni Madam Sapphire at agad ko naman itong inabot.

"Okay. Sasamahan ka ni Zachary Claus sa iyong dorm." sabi ni Madam Sapphire at sinenyasan si Sir Zachary Claus na samahan ako.

"Good bye po." paalam ko at tinanguan lang ako.

Pagkalabas namin ay sinundan ko lang si Sir Zachary papuntang dorm ko.

Tinahak namin ang malawak na field.
Ang luwag talaga dito. Hindi ko alam kung saan ang mga room dito pero bukas ko na lang ito aalalahanin.

Malakas ang ihip ng hangin at napakapayapa sa lugar na ito. Palaging tahimik at tanging hangin lang ang maririnig mo sa paligid.

Matapos lang ng ilang minuto ay nakarating na kami sa aking dorm.

"This is your dorm. I'll take my leave now."

"Thank you po." sabi ko at tumango naman siya.

Binuksan ko na ang dorm ko at namangha ako sa itsura ng dorm. Ang ganda tapos ang linis.

Agad akong pumasok at hinanap ang kwarto ko.

Sinubukan kong buksan ang isang kwarto pero nakalock ito. Ibig sabihin ay ito ang kwarto ng kasama ko.

Binuksan ko naman ang kabila at bumukas naman ito. Agad kong inilapag ang mga gamit ko sa kama at inilibot ang tingin.

Tama lang ang laki sa loob at kumpleto na rin sa mga gamit.

Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at inilagay ko na rin ang mga damit ko sa cabinet.

Tinignan ko rin ang uniform ko at ang ganda nito. At dahil sa sobrang pagod ay umidlip muna ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero namalayan ko na lamang na madilim na sa labas.

Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya agad akong bumangon.

Pagkalabas ko ay nakaswitch na ang ilaw kaya agad akong pumunta sa kusina.

May nakita akong refrigerator at agad ko itong nilapitan.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang napakadaming pagkain. Tinignan ko rin ang freezer at may mga pagkain din dito na iluluto pa lang.

Agad kong kinuha ang hotdog na nakita ko at magluluto na lang ako.

Pagkakuha ko ay agad akong naghanap ng kawali at agad ko itong sinalang.

Iswiswitch ko na sana ang stove ng biglang may sumigaw sa likod ko kaya nagulat ako.

"Sino ka?!"

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now