Chapter 37

3.1K 135 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 37

Zouie's POV

Hindi ko makakalimutan ang nangyari kahapon lalo na't yung ginawa ni Hance na biglang paghatak sa akin.

Muntik ng magkabuhol-buhol ang puso ko ng dahil sa ginawa niya at muntik na akong atakihin sa puso.

Thank you for taking care of me.

Thank you for taking care of me.

Thank you for taking care of me.

Napahilamos naman ako sa mukha ko ng bigla ko na namang maalala yun.

I mean, simpleng salita lang iyon pero grabe ang epekto nun sa sistema ko.

Tangina naman oh.

"Woi! Parang naprapraning ka na naman diyan." sita sa akin ni Vin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Naaalala ko rin kung paano nila ako pagalitan ni KN dahil sa hindi ko raw pagpasok.

Natakot daw sila na baka bigla na lang akong nawala lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang babaeng iyon.

Napatingin naman ako sa likod at muntik na akong mapatalon ng makita kong titig na titig sa akin si Hance na parang konti na lang ay matutunaw na ako sa uri ng titig niya sa akin.

Bumuntong hininga naman ako at lumabas.

Lalanghap muna ako ng preskong hangin.

"Teka, saan ka pupunta?" pigil sa akin ni Vin at napalabi naman ako.

"Sa garden lang. Papahangin." sabi ko pero sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Alam mong delikado pa sa labas tapos lalabas ka ng mag-isa." sabi niya kaya napaismid naman ako.

Gusto ko lang naman umihip ng preskong hangin.

"Sasamahan ka na lang namin." sabi ni KN kaya naman tumango na lang ako para hindi na sila mangulit.

Papunta na kami ng garden kaya dumaan kami sa hallway at medyo marami rami pa ang estudyante sa labas dahil wala pa namang mga teacher.

Habang naglalakad kami ay bigla na lang kaming napatili ng biglang may nahulog na bangkay sa harapan namin.

"Fuck!" pagmumura nila KN at Vin.

Agad na lumapit ang mga estudyante sa bangkay at ako ay nanatiling nakatayo habang nanginginig ang buo kong kalamnan.

Tangina!

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa takot dahil sa sobrang gulat ko.

"Yena!" sigaw ng kung sino at agad na nahawi ang mga tao at lumapit ang dalawang babae na nakita ko sa cafeteria.

Pinaharap nila ang bangkay at nagulat ako ng makilala ko ito.

Siya yung nakabungguan ko sa cr!

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon