Chapter 40

954 33 0
                                    

Nagulantang ako sa narinig ko mula kay Menandro. Yes, I finally confronted him, but I was appalled at how it turned out. I couldn't believe that he was still playing innocent like he had no idea at all!

I scoffed at him. "Are you crazy? Are you seriously asking me that?! Do you want me to refresh your memory?"

Namumula na ang mukha niya sa galit at kalituhan. Hinampas ko uli 'yung dibdib niya bago siya dinuro.

"Talaga bang hindi ka aamin?! Menandro, I knew it all along! Don't fucking play dumb! Stop lying on my face! Nahuli na kita!"

Sa kabila ng matinding galit, marahan pa rin niyang inilayo ang kamay ko. Hawak niya iyon habang mabilis na nilalamon ng kanyang mga hakbang ang kapiranggot na distansya sa pagitan naming dalawa. I twisted my arm, but he just wouldn't let me go.

"Saan mo naman napulot 'yan? Akala ko ba natuto ka na, huh? Hanggang ngayon ba naniniwala ka pa rin sa mga walang kwentang tsismis tungkol sa akin? Gano'n ba kababaw ang tingin mo sa 'kin? Nambababae ako? Show the fucking proof if it's true! And who the fuck am I fucking cheating with? Sabihin mo sa 'kin, Hailey! Sino?!"

Pumiglas ako sa kanya at nang nakawala ay 'agad humakbang palayo. Nanlalabo na ang paningin ko gawa ng mga pesteng luha sa mga mata ko, pero malinaw na malinaw sa akin ang nais niyang iparating. He will never admit it! He doesn't have the balls to man up! Ni wala man lang sorry!

"'Wag mo akong hinahamon, Menandro! Umpisa pa lang, alam ko na ang kawalang-hiyaan mo! Paano mo ako nagagawang harapin? Paano mo nasisikmurang ngumiti sa harapan ng pamilya ko?!"

Ikinuyom niya ang kamao niya. Akala ko susuntukin niya 'yung pader, pero nakapagpigil siya. Napahilamos siya ng mukha at puno ng hinanakit akong binalingan. His bloodshot eyes were locked on mine.

"I can't believe you... Is that the reason why you're being cold? Kaya ba palagi kang gumigimik at natutong mag-bisyo? Kaya ba nararamdaman ko na parang wala akong asawa?"

Marahas niyang pinalis ang kanyang mga luha at muli akong tinitigan gamit ang mga mata niyang puno ng galit at hinanakit. I was actually speechless. So, he knew it?

"At ngayon pinapalabas mo na may kabit ako? Bakit? Paano ka nakasisiguro na totoo ang hinala mo? Sa trabaho at sa 'yo lang umiikot ang mundo ko! You know how tight my schedule can be! Nakikita mo 'yung pagod at stress na inaabot ko sa trabaho ko! 'Yung pag-uwi ko sa bahay natin at ang maabutan ka roon ang pangbawi sa lakas na nawala sa akin sa maghapon kong pagtuturo! Kaya paano mo nasabi na may iba ako?"

Umiling ako. Hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. He can act so well, but he can't fool me again.

"Stop dragging my name! Ikaw ang issue dito! 'Wag ka nang—"

"Don't give me that bullshit! Ano? Magbibingi-bingihan ka? I asked you to show me the proof! Sino'ng lumason sa utak mo?!"

Napapikit ako hindi dahil sa sumisigaw siya, kundi dahil ramdam ko na nasa sukdulan na ang pasensya niya. Sa puntong ito, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Sa tono ng pananalita ni Menandro, siguradong-sigurado siya na mali ang akala ko. Pero iba ang sinasabi ng mga ebidensyang nakalap ko...

Hinagilap ko 'yung cellphone ko kaya inakala niyang aalis ako. Hinigit niya ang braso ko at kulang na lang ay magmakaawa na manatili ako.

"So you wanted the proof?" Dinikit ko sa dibdib niya 'yung cellphone na 'agad niyang sinalo. "Ayan! Makikita mo lahat ng kagaguhan mo diyan!"

In-unlock niya iyon. Bumungad sa kanya 'yung inipon kong screenshots mula sa IG stories, My Day, at posts ni Lizzy. His eyebrows furrowed as his eyes are carefully scanning the evidences.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now