Chapter 52

957 31 0
                                    

Dedicated to: Jemimicaelala

To kill the boredom, nagpa-book din ako ng flight papuntang Bohol. Pinaghalong lungkot at saya ang nararamdaman ko habang nakasilip sa bintana ng eroplano. Masaya dahil engaged na sina Mario at Ate Elise. As of now, kami pa lang ni Menandro ang nakakaalam. At malungkot dahil... miss na miss ko na ang asawa ko.

My original plan was to go to Thailand to follow him. But I realized that he wouldn't be able to focus on the seminar if I was there.

"Why are you so sad? Aren't you happy with this trip? Excited pa naman ako!" ani Harmony nang hindi na kinaya ang ilang beses kong pagbuntong hininga.

Looking at her, I closed my mouth and stretched it out. "I'm just sad that Dhebie isn't with us..."

That was also true. Marami raw siyang gagawin kaya nagpa-iwan sa Grand Rêve kahit na gustong-gustong sumama sa amin. That's one of those things that I like about her. She never lost her focus.

"Makipag-video chat na lang tayo sa kanya mamaya? I-tour natin siya sa rancho nina Jeremiah!" she suggested excitedly.

Tumawa ako at tumango. Ang cute-cute talaga ni Harmony!

"Sure! I'd love that!" Itinukod ko 'yung siko ko sa armrest at bahagyang itinagilid ang katawan. "Nga pala, bago ko makalimutan... Sa 20 'yung birthday ng lola ni Seija, 'di ba?"

Her twinkling eyes darted at me. "Mmm! I'm still working on my gift for her, though. Medyo kinakabahan din ako kasi first time kong mami-meet ang parents ni Seija."

"Sus!" Ngumisi ako sabay kumpas ng kamay sa ere. "That won't be a problem. They'll surely like you! Ikaw pa ba?"

She shrugged her shoulders. "Well, ayokong umasa. Her mother likes Genieva for him. They've known each other—"

Umiling ako at pinalatakan siya. "Pero gusto ba siya ni Sean? Hindi. Ikaw ang gusto niya, Harmony. And if I'm not exaggerating, mahal ka na nga 'ata niya."

She smiled sheepishly and bit her lower lip. "He loves me. And I feel the same way, Hailey."

Kumapit ako sa braso niya at maging ako ay kinikilig na rin. "Oh my gosh! For real?! H-How did he confess?!"

"Shh!" She put her finger on her lips and looked at the back where Seija and his friends were sitting. "He confessed inside the lift. Sinabi niyang mahal niya ako at handa siyang maghintay. Then, we kissed..."

Tumawa ako at pinadyak ang mga paa. "And you two sealed it with a kiss! Pagsisisihan talaga ni Dhebie kung bakit hindi siya sumama! Huli na siya sa balita!"

Namumula na ang mga pisngi, pinatahimik niya ulit ako. "Nahihiya na 'ko, Hailey! Stop it! They will hear us!" mariin niyang sinabi.

"Ano ba 'yan?! 'Wag kang mahiya!" Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at hiniian ang boses. "Sa lips lang kayo nag-kiss? 'Buti hindi pinakita kay Ate Symphony 'yung CCTV footage sa loob ng elevator!"

Napalakas ang tawa ako at umiling-iling nang takpan ni Harmony ang kanyang mukha. I've never seen her this shy! Ang sarap tuloy pag-tripan lalo!

Patuloy lang ang pangungulit ko sa kaibigan nang lapitan kami ng cabin crew. Holding a pastel pink box, she called Harmony's attention.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon