Chapter 11

1.1K 34 0
                                    

Sa sumunod na linggo, mababakas ang excitement ng mga new student at mga transferee na 'tulad ko sa darating na Binyag Arriba sa Biyernes. The said event is the first step in being a true Letranite. I've already experienced it when I studied at Colegio de San Juan de Letran-Manila from Grade 7 to Grade 11. Ganunpaman, excited pa rin ako dahil mga bagong mukha ang makakasalamuha ko.

"Hails, nakikinig ka ba?" kinatok ni Agasssi 'yung desk ko.

"Hindi..." Itinago ko 'yung cellphone ko. "Sorry. Ano ulit 'yon?"

"Ang sabi ko, samahan mo akong magpagupit ng buhok mamayang uwian," sinuklay-suklay pa niya ang bangs niya para ipakita sa akin kung gaano iyon kahaba.

"Bawal ako, eh. May kasalanan kasi ako kay Mommy last week kaya rekta 'agad ako sa bahay 'pag uwian. Sorry, Aga," sumandal ako sa upuan at itinuwid ang mga binti.

Naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Mommy ng ilang araw kaya bumabawi ako ngayon. I was wrong and I won't disobey her again this time.

"Okay. Text ko na lang sina Em-Em." Agassi rested his head on my desk, slightly tilted it so he could look at me. "Hindi ka pa ba nagugutom? Recess na. Lumabas na ang mga kaklase natin. Tayo na lang ang naiwan dito."

May maliit na piraso ng papel sa tuktok ng ulo niya kaya inalis ko muna iyon bago sumagot. "Nagbaon ako ng kanin. Ikaw na lang ang kumain no'n. Wala akong gana, eh."

Kumunot ang noo niya at umayos ng upo. "Bakit? Boyfriend mo na naman ba?"

"Ano pa nga ba?" Ngumuso ako at inilabas ulit ang cellphone para makita kung may reply na ba si Zach. "'Lagi na lang walang time sa akin. Kung mag text pa, akala mo tropa lang niya ang kausap. Gusto ko na nga siyang puntahan sa Antipolo kaso bawal naman akong umalis ng walang kasamang driver."

Dismayado kong nilinis ang screen gamit ang aking hinlalaki bago ko iyon inilapag sa desk. Bumaling ako kay Agassi na nag-iisip ng malalim para masolusyunan ang problema ko.

Staring at him this close, I could tell why our female classmates dislikes me. Maging ang iba na nakakakilala kay Aga ay iisa lang ang reaksyon tuwing nakikita kami. He's 5"11 and has a toned body. May pagka-moreno dahil palaging nakabilad sa initan tuwing naglalaro ng basketball. Wavy ang may kahabaan niyang buhok. He has a thick, arch eyebrows; and has a long eyelashes that framed his almond-shaped eyes. Namana niya ang matangos na ilong ng daddy niya. Katamtaman naman ang kapal ng mamula-mula niyang mga labi. He's really handsome, but his singing voice is the reason as to why women have been going crazy about him. Malambing at malamig iyon sa pandinig kaya madalas kong ipinapakanta sa kanya ang mga kanta ng Westlife, A1, Backstreet Boys, at Boyz II Men, at NSYNC.

Sobrang nakaka-turn on talaga kapag maganda ang boses ng isang lalaki. Kaya nga maski ako ay hindi nakaligtas at masasabi kong isa ako sa mga tagahanga ng aking kaibigan.

In the end, Aga agreed to eat my packed lunch. Habang kinakain niya 'yung pancit canton, isang soft boiled egg, at kanin ay tutok na tutok siya sa panood ng highlights ng paborito niyang NBA player.

Pumangalumbaba ako at malungkot na tiningnan ang aking cellphone. Zachary isn't replying to my texts. I tried to call him, but he declined it. Alam ko naman ang schedule niya kaya sigurado akong wala siyang ginagawa sa oras na iyon.

"Ayaw mo talaga, Hails?" inalok ako ni Aga kung kailang paubos na 'yung pagkain.

Umiling ako. "Ubusin mo na 'yan, Aga. Eat well."

"Thanks! Wala rin naman akong balak na bigyan ka, eh," pinaikot-ikot niya sa tinidor 'yung pancit canton at may pa-slow mo pang nalaman nang isinubo iyon para inggitin ako.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon