Chapter 55

1K 34 0
                                    

Dedicated to: DumbabySVD

Pormal nang iprinoklama si Daddy bilang senador. Napag-desisyunan nila ni Mommy na lumipat siya sa bahay namin sa Malate dahil mas malapit iyon sa Makati. Magkasama sila roon ni Billie at uuwi lang ang dalawa sa Laguna tuwing weekends.

Mommy will stay with Lola Esmeralda at Calamba. Si Ate Elise ay malapit nang lumipat sa bahay na ipinatayo ni Don Pablo para kay Mario sa Cabuyao. Ako naman ay maglalagi sa bahay namin ni Menandro sa Treveia Nuvali para hindi na kami palagi mag-away ni Lola Esmeralda.

"Huy, aalis na 'ko!" saway ko kay Menandro dahil tinatanggal niya 'yung mga damit na nilagay ko sa loob ng maleta.

Sinara niya 'yung maleta ko at seryoso akong tiningnan. "Oo nga, aalis kana nga. Balik kana lang dito 'pag kailangan mo ng damit."

Binitawan ko 'yung underwear ko at natatawang lumapit sa kanya. Hinayaan niya akong umupo sa kanyang mga hita at niyakap ang baywang ko para hindi makatakas. Nilapirot ko 'yung mga pisngi niya kaya inirapan niya ako.

"Sabi mo 'di mo na 'ko iiwan, eh..." nagtatampo talaga siya.

"Gusto mong sumama?" Tumango siya. "Pa'no 'yung trabaho mo?"

"Dadalhin ko do'n," aniya na parang basic lang iyon.

Ngumisi ako at hinatak 'yung mga pisngi niya. "Hindi naman kita iiwan ng matagal! Syempre, kailangan kong pumunta do'n para asikasuhin 'yung requirements na kailangan para sa business. Babalik ako sa 'yo."

Nagtaas siya ng kilay. "Talaga? Araw-araw kang babalik dito?"

"Hmm..." Saglit akong napaisip. "Every other day. Gano'n."

He groaned and I could really feel his frustration. "Ano ba 'yan?! Pa'no naman ako? Sino na'ng kasama kong maligo? Sino na'ng katabi kong matulog? Every other day lang akong may asawa? Gano'n ba, huh?"

"Menandro Raphiel Silverio! Para kang bata!" Humagalpak ako ng tawa. "Kaya ko naman talagang mag-drive back and forth kaso mapapagod ako ng husto. 'Tsaka pagkakataon ko na 'to para makipag-ayos kay Lola."

He mimicked the sound of the buzzer. "Wrong answer! Next!"

I chuckled and kissed him on the lips to shut him up. Effective ang ginawa ko kaya ang ending ay napahiga na naman kami sa kama.

Hapon na nang nakarating kami ni Tita Maggie sa Laguna. She'll stay in our house for a few days before she goes back to South Korea.

"Ako ang bahala kay Doña Esmeralda! Pang-skincare lang ang katapat no'n!" kinailangan niya pa akong hatakin papasok sa aming bahay.

Kabadong-kabado ako dahil para akong hangin kung ituring ng lola ko. Bago kami bumalik ni Menandro sa Manila no'ng nakaraan ay dumaan kami dito para magpaalam. Pero nagkulong lang si Lola Esmeralda sa kwarto niya at hindi kami pinaunlakan.

"Umalis si Mama, eh. Sinama si Aling Nelma sa Shake & Shape. Nalaman kasing pupunta ka..." ani Mommy pagkatapos bumeso sa akin.

Bumagsak ang mga balikat ko at tamad na sumalampak sa sofa. Kinuha ko 'yung isang ponkan sa center table at nakatungong binalatan iyon.

"Kahit si Elise napipilitang umalis araw-araw para hindi ma-bwisit 'yung lola niyo," dagdag ni Mommy habang hinahalungkat 'yung laman ng paper bag na dala ni Tita Maggie.

"Kailan ba siya lilipat sa bahay ni Mario? 'Pag kasal na sila? It's not like I don't want her to stay here, it's just that, it'll be more convenient for her and her grandmother, don't you think?"

"Gusto niyang lumipat do'n kapag nagka-ayos na sila ng lola niya. Ayaw niyang bumukod nang may sama ng loob sa kanya 'yung matanda," sagot ni Mommy at nag-angat ng tingin sa akin.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz