Chapter 3

1.5K 56 2
                                    

"Dapat hindi ka na lang sumama kung aarte ka ng ganiyan," puna ni Ate Elise nang napansin ang pag-aalangan kong humakbang sa putikan.

Tumawid siya sa kabilang kalsada kasama si Ynez. Lumunok ako at dahan-dahang inihakbang ang mga paa sa maputik na daanan.

"Sorry, Ate..." sabi ko ngunit inismiran lang niya ako at naglakad na papasok sa palengke.

Hindi ako nag-iinarte. Wala akong pakialam kung matalsikan man ako ng sandamakmak na putik dahil pwede ko namang hugasan ang mga paa at mga binti ko sa bahay. My only concern was Ynez's slippers that I'm wearing. Halatang bagong bili ang mga iyon at nahihiya akong madumihan kaya namimili ako ng aapakan. But she would never understand that 'cause she simply doesn't care about it at all.

"May regla 'ata ang Ate mo..." bulong ni Ynez habang sinusundan namin si Ate Elise.

Ngumisi ako. "Hindi na nga natapos, eh. Pero hayaan mo na siya."

She ignored what I said. "Ba't pumapayag ka? Ba't 'di mo siya isumbong sa mga magulang ninyo? Sumusobra na kasi ang ate mo."

"Hindi na kami bata, Ynez. Kailangan ni Ate ng taong makakaintindi sa kanya. Gusto kong magtiwala siya sa akin. Feeling niya kasi si Daddy lang ang nagmamahal at may pakialam sa kanya..."

Natawa siya. "Oo nga. Pero hindi na rin siya bata, Hailey, para pag-initan ka. Mali na sa 'yo niya ibinubuhos ang galit niya."

May point siya, pero paninindigan ko ang sinabi ko. "Basta, Ynez. Tayo na lang ang um-intindi sa kanya..."

Sinundan ko ng tingin si Ate Elise. She was standing in front of the store that sells dried fish. Nakatingin siya sa amin kaya binilisan namin ni Ynez ang paglalakad.

Binili namin ang mga sangkap na nilista ni Aling Nelma. Tuwing Linggo kasi ay naka-gawian na nina Daddy at Mommy na magpakain sa mga kapitbahay. But today is different. We'll throw a feast because they truly deserve it. They survived the typhoon and it's our way of thanking them for being brave and strong.

"Hmmm, ano pa ang kailangan, Ynez?" tanong ni Ate Elise.

Tumingin si Ynez sa listahan. "Wala na, Elise. Nabili na natin lahat."

Tumango si Ate Elise at kinuha sa kaliwang kamay ko 'yung bayong na puno ng gulay. Nag-iwas siya ng tingin at pinaglakad na kami palabas. Ngumuso ako at palihim namang pinindot ni Ynez ang tagiliran ko.

"Bakit?" I pursed my lips, trying to hide my smile.

"Kilig ka na niyan?" she snorted and she quickly counted the coins on her hand when Ate Elise turned to look at us.

"Bilisan niyo," anito at muling tumingin sa harapan.

Siniko ko si Ynez at hinatak ang kanyang kanang braso upang mapabilis ang aming paglalakad. She's really slowing us down because she's still counting the coins. I even heard her say "20 pesos" even though she only had half of it on her two palms combined.

Inabangan namin si Kuya Rudy sa labas ng palengke. Habang naghihintay ay inilapag ko 'yung hawak kong bayong at naghanap ng makakain. Looking what's right in front of me, my eyes spotted the old lady who's pushing the small cart full of Saba bananas. She suddenly stopped at the middle to breathe properly. She doesn't have an umbrella to protect her tired and worn out body from the blazing heat. My heart aches for her so I looked away. But it only took a few seconds because I decided to approach her.

"Sa'n ka pupunta, Hailey? Parating na si Kuya Rudy!" ani Ate Elise ngunit itinaas ko lamang ang kanang kamay ko.

Pagkalapit ko sa kariton ng matanda ay nangapa muna ako ng sasabihin. "M-Magkano po ang saging?"

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now