Chapter 18

959 34 0
                                    

This chapter is dedicated to: amazinggalien. Her stories are worth to read. Please check her out. ♥︎

—————

Menandro drove off his car to the nearest fast food restaurant when my tummy suddenly growled while we were looking into each other's eyes. Moment na sana namin 'yon, eh. Nakakahiya man, but we just laughed it off.

"Ano'ng sa 'yo?" aniya pagtapat ng sasakyan sa unang window.

Hindi ko na kinailangang tumingin sa menu para sa order ko. "Cheeseburger and fries ang sa 'kin. Para sa inumin naman, tama na ang tubig."

Tumango siya at ibinaba ang salamin ng bintana. "Hi, Miss. Merry Christmas!" paunang bati niya sa crew na 'agad siyang nakilala. Her eyes widened and greeted him back. Maging ang ibang crew'ng naroon ay sumilip na rin.

Oh, wow. Three years and he's still famous? Ayos, ah. Walang expiration date?

Medyo itinagilid ko ang katawan ko paharap sa bintana ng inuupuan nang napansin ako ng mga crew. Itinanong nila si Menandro kung sino ba 'yung parang tanga na kasama niya.

He chuckled and I felt his gaze over me. "My girlfriend. She's... shy. Pagpasensyahan niyo na."

Ah, girlfriend... Girlfriend?! Umayos ako ng upo. Akala ko ba nasa dating stage pa lang kami at secret lang muna?!

Dinig ko ang pagkadismaya ng mga babae sa nalaman. I smiled triumphantly. Alam kong alam ni Menandro dahil sa bahagyang pag-alog ng mga balikat ko at paglabas ng hangin sa mga butas ng ilong ko. It's indeed a merry Christmas!

Sunod-sunod ang pagsubo ko ng fries at 'di na nailang kahit pa titig na titig si Menandro sa akin. We're back in the hospital's parking area. Hindi pa naman nag-te-text si Mommy, so okay lang na magtagal muna ako dito.

"Hindi ako matutunaw kahit anong titig ang gawin mo..." I said after I swallowed a mouthful of fries.

The corner of his lips curved up. He was about to rebut, but I put some food in his mouth to shush him.

"Why did you tell them that I'm your girlfriend? Care to explain, Mr. Silverio?"

Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakangiting ngumunguya. I was lost for a while as I watched him smile gently at me. He's really happy... I've said it before, pero hindi ko talaga kinakaya kapag nakikita ko siyang nakangiti at namumungay ang mga matang nakatutok sa akin. It's like a direct attack that would surely hit my soft spot and I'll just melt instantly.

Only Menandro could make me feel like this...

"Sinabi ko 'yon para tumigil na sila sa pakikipag-flirt sa akin; para malaman nilang may nagmamay-ari na sa akin. Wala akong pakialam kung kumalat man ang balitang may girlfriend na ako sa buong lalawigan dahil hindi naman 'yon gawa-gawa lang. Iyon ang totoo dahil nanggaling mismo sa bibig ko. Kaya bakit ko pa ipagkakaila kung doon rin naman 'yon patungo, Hailey?"

I slowly nodded my head. "I got your point, but you should've consulted me first. Nagsisimula pa lang kasi tayo. What if hindi tayo pareho ng nararamdaman?"

"Bakit?" Nanliit ang mga mata niya. "Hindi mo ba ako gusto?"

Huminga ako ng malalim. "I like you so damn much, Menandro. Ang ibig ko lang naman sabihin, sana sinabi mo munang kaibigan mo ako..."

"Okay..." Pumikit siya ng mariin. He looked pained as our eyes meet again. "Okay, I understand that I made an impulsive decision. I'm sorry about that. Pero 'yung sinabi mong hindi tayo pareho ng nararamdaman? Nagdulot 'yon ng takot at pangamba sa akin, na baka na-turn off ka at hindi mo na ako gusto."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon