Chapter 30

969 36 1
                                    

Inabutan na ako ng liwanag sa parking lot ng SM. Itinaas ko ang sandalan ng upuan at isa-isang pinulot 'yung mga lata ng beer sa sahig. May nakita akong cash kaya nagpa-gas ako at bumili ng mga alak sa convenience store kagabi.

Hinilot ko ang sentido ko at napatitig sa kawalan. 9:15 a.m. na. Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga sasakyan ngayong malapit nang magbukas ang mall.

I'm not ready to go home. But I guess they already reported the car missing. Ngumisi ako. Ito lang ang desisyon ko na hindi ko pinagsisihan.

Binuhay ko ang makina at awtomatikong bumukas ang radyo. Naka-set iyon sa local radio station dito sa Laguna. Napukaw 'agad niyon ang atensyon ko nang narinig ko ang pangalan ko.

"Binabati namin sina Mario Silverio at Hailey de los Rios! Congratulations on your engagement! The whole province of Laguna anticipates the wedding of the year! Gosh! I'm so excited and nervous! Feeling ko tuloy ako 'yung ikakasal!" tumawa 'yung babaeng DJ.

"Hailey de los Rios? She's the lovely daughter of the former Governor Gonzalo de los Rios, right?" tanong ng lalaking DJ.

"Oo! Middle child si Ateng! Akalain mong sila ang magkakatuluyan kahit maraming na-link kay Mario noon? Kumalat pa nga ang balita tungkol sa kanyang rumored girlfriend, but Mario never confirmed it. Kaya sa mga dalagita riyan, Mario Silverio is now off the market!" the woman answered.

Tumawa 'yung lalaki. "May Menandro Silverio pa naman! Malay niyo naman, girls, 'di ba? Anyway, para sa nag-uumapaw na pag-iibigan, halina't pakinggan ang kantang inaalay namin para sa inyo. Congrats again, Mario and Hailey!"

"Bullshit..." pinatay ko ang radyo nang nagsimula silang magpatugtog ng love song.

Nagulantang ang kabahayan nang dumating ako. 'Yung mga tsismosa naming kapitbahay ay naglabasan, halatang kanina pa ako inaabangan. Ang galit na sigaw ni Lola Esmeralda ang sumalubong sa akin pagkapasok ko.

"Where have you been, Hailey?! Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sa 'yo? Tumakas ka sa bahay ng mga Silverio! At isinama mo pa talaga 'yung sasakyan ni Menandro! Nakakahiya kay Don Pablo!"

Kidek, Aling Nelma, Ynez, and the other housemaids are watching us quietly. Ipinatong ko sa coffee table 'yung susi ng Fortuner at walang imik na umakyat sa hagdan.

"Do not turn your back on me, Hailey! Nag-uusap pa tayo! Darating ang mga Silverio mamaya para mapag-usapan ang kasal ninyo ni Mario! The wedding planners are also gonna be here so don't screw this up!"

Heard that mga chismosa? Good morning ha! Ano? Busog na ba kayo?

Ikinulong ko ang sarili ko sa aking kwarto. Wala akong balak papasukin ang kahit na sino. I'm just so fed up and tired of everything...

Nilinis ko ang katawan ko at humiga sa kama. Hanggang ngayon ay tumatalak pa rin si Lola Esmeralda sa ibaba. Nag-aalala ako para sa kanyang kalusugan, pero hindi ako titigil sa pagmamatigas. Hindi ko susundin ang gusto niya.

I buried my face on the pillow as the sobs rocked my body. Iba na ang epekto sa akin ng nangyayari, ngunit wala naman akong maisip na solusyon. Can I just... disappear? It's impossible, but it's the fastest way to put an end to this. Mas lalong lumakas ang iyak ko nang napagtanto ko na ito ang kauna-unahang pagkakataon na humiling ako ng ganoon. Na kaya kong isantabi ang iba kong kahilingan dahil desperado na talaga ako.

"Ate, please open the door..." Billie knocked an hour later. "I'm alone. Please let me in..."

Hindi ko matiis ang aking kapatid kaya pinagbuksan ko siya ng pinto. Malungkot na ngiti ang iginawad niya sa akin at ganoon rin ako sa kanya.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now