Chapter 20

1.1K 37 0
                                    

"Hailey, naalala ko pa no'n! 'Yang si Menandro?!" Wala sa hulog na tumayo si Cris sabay turo sa katabi ko. "Napaka niyan! Alam mo ba? Halos araw-araw kaming kumakain sa Sesha no'n para lang makita ka niyan! Puta! Umay na umay na nga kami, eh. Like, dude, wala ka na bang ibang alam na kainan? Mas gasgas pa sa mga joke ni Kevin 'yung mga moves niyan kaya na-reject, eh!"

Kinagat ni Menandro ang ibabang labi niya at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Isinandal niya ang likod niya sa sofa at umupo ng tuwid. Ibinalik ko ang atensyon kay Cris dahil hindi pa pala ito tapos. Ang nasa magkabilang gilid niya na sina Stefan at Kevin ay parehong nakapikit at wala nang pakialam sa nangyayari. It's already 3am at hinihintay na lang namin ni Menandro na matulog ang kanina pa nag-iingay na si Cris.

"But you actually did the right decision! At least, nakahanap siya sa wakas ng katapat niya! 'Pag ako ulit prof mo next sem, uno kana 'agad sa 'kin." Humagikgik siya. "At no'ng huling Binyag Arriba namin sa Letran... Alam mo bang—"

"Okay, that's enough! Ako ang nahihiya sa ginagawa mo..." biglang tumayo si Menandro at inakay ang kaibigan niya patungo sa hagdan.

Nilagok ko 'yung natitirang beer sa huling bote ko at sinundan sila ng tingin.

"Dude, teka! Pucha! Excited ka naman!" Nagpumiglas si Cris at nilingon ako. "Hailey! No'ng Binyag Arriba—"

May ibinulong si Menandro kaya nanahimik si Cris at nagpatianod pa-akyat sa hagdan. Kumunot ang noo ko. Sumenyas sa akin si Menandro kaya tumango na lang ako.

"Sa sofa ka talaga matutulog? Will you be okay? Tumabi ka na lang sa mga kaibigan mo," sabi ko nang hinatid ako ni Menandro sa kanyang silid.

Umiling siya. "Nah-uh. Malakas humilik si Cris. Naninipa si Stefan. At baka umihi si Kevin sa kama." Parang may naalala siya kaya bigla siyang ngumiwi. "Naranasan ko na ang mga 'yon no'ng college days. Kaya 'wag mo na akong alalahanin. I'll be fine. Kahit sa sahig pa ako matulog, okay lang."

Pinagdikit ko ang fingertips ko. "Pero mahihirapan ka sa couch. You won't fit and you'll hurt your back..."

"Then what do you suggest? Do you want us to sleep on the same bed?" he flashed a mischievous smile.

Nakatagilid ng bahagya ang katawan niya sa akin habang ang likod niya ay nakasandal sa hamba ng pintuan. Raising his eyebrow, he crossed his arms and repeated the last question.

"I-It's fine... I can put a pillow in between us para hindi ka mapunta sa side ko..." ramdam ang pag-init ng mga pisngi, bumaling ako sa kama niya at napaisip kung tama ba ang suhestiyon ko.

Menandro chuckled so I looked back at him. He licked his wet, red lips. Pagkatapos niyon ay bumalik ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

"And you think that would work? Baby, I'm sorry to break it to you, but I don't trust myself. Sober or not, I don't trust myself lalo na't narito ka sa pamamahay ko. You're even wearing my clothes..." bumaba ang tingin niya sa kasuotan ko.

Tumikhim ako at napahawak sa doorknob, umaambang isasara ang pinto. "O-Okay. Uh, sa couch ka na lang matulog. Matutulog na rin ako..."

"Alright. Good night, Hailey," he gave me a peck on my lips. He pat my head and that mischievous smile turned into a soft one.

"Good night, Menandro..." tumingkayad ako at mabilis na inilapat ang aking mga labi sa kanya bago tuluyang isinara ang pinto.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now