Chapter 26

859 29 0
                                    

Sa pagdaan ng mga araw, mas lalong tumitindi ang pag-usbong ng pananabik ko sa nalalapit na pagkikita namin ni Menandro. Bukas ay luluwas na ako pa-Manila sa kadahilanang ipinapasundo sa akin ni Daddy si Billie. Though it was my own idea so I could meet my boyfriend secretly.

"Hailey, magpasama ka kay Rudy. Kunin mo sa shop ni Kelly ang mga yaring dress na isusuot natin," utos ni Lola Esmeralda na umaga pa lang ay bihis na bihis na.

"Sige po. Pagkatapos ng klase ko pupunta ako ro'n." Isinukbit ko 'yung itim na LongChamp sa aking balikat. "Sa Shake & Shape po kayo pupunta, 'La?"

Ngumisi ang matanda. "Aba'y saan pa ba, Hailey? Ilang araw na akong hindi nakakapag-Zumba at baka hindi na mag-kasya 'yung dress sa akin." Ma-drama niyang sinapo ang noo niya. "My amigas will surely notice if I gained some weight! So, I might as well burn my ass and dance all day to stay in shape!"

"Good for you, 'La. I hope you won't overdo it, tho," humalik ako sa kanyang pisngi at pumasok na sa opisina ni Daddy.

Busy talaga si Daddy ngayon dahil sa mga charity event na dinadaluhan at organizations na sinusuportahan. Health care ang kanyang priority dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng may dengue sa buong lalawigan. Kahit na binabatikos siya ng ibang tao at pinaparatangan na nagpapakitang-tao lang, hindi naging hadlang iyon upang huminto si Daddy sa nakagawian. Kaya nga sobrang taas ng respeto ko sa aking ama dahil sa kabutihan ng puso niya. Gagawin ko ang lahat ma-protektahan lang siya.

I twisted the knob and pushed the door. "Dad, aalis na—"

"May nabanggit ba sa 'yo ang Lola mo, anak?" tanong niya nang nakabawi sa pagkatulala.

Kumunot ang noo ko. "Tungkol s'an po, Dad?" lumapit ako at umupo sa harapan ng kanyang working table.

I noticed that my father was restless. "About Don Pablo's upcoming birthday... Did she say anything?"

Kumunot ulit ang noo ko, inaalala kung may nabanggit ba si Lola Esmeralda. Then I looked into my father's eyes and shook my head.

"Wala naman po, Dad. 'Yung dress lang po na isusuot namin ang napag-usapan. She also said that you and Billie has something to wear so you don't need a new one."

Tumango si Daady at pumangalumbaba. Nasa harapan niya ako, pero sa malayo siya nakatingin. It seems like something's bothering him...

Kinatok ko 'yung table para makuha ang kanyang atensyon. "Dad, is there anything you wanna talk about?"

He cleared his throat and his gaze remained at the picture frame on the table. "It's about Elise..."

He was unsure if he'd open up to me. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking puso dahil mukhang hindi siya nagtitiwala sa akin pagdating kay Ate Elise.

Yumuko ako at pinagdiskitahan 'yung strap ng bag ko. "What about Ate Elise, Dad?"

May kumatok at maya-maya'y narinig namin ang boses ni Kuya Rudy.

"Hailey, aalis na ba tayo?"

"Dad, uh, I have to go," tumayo ako at humalik sa pisngi niya.

He smiled. "Ingat, anak."

"Thanks, Dad..." lumunok ako at nginitian siya pabalik.

Magkasabay na pumasok sina Agassi at Andrea. Magmula nang naging magka-textmate sila ay hindi na sila mapaghiwalay.

Bumulong sa akin si Andeng. "Hailey, palit tayo ng upuan para magka-tapat kami ni Aga..."

"Sure," kinindatan ko siya at 'agad tumalima.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWo Geschichten leben. Entdecke jetzt