Chapter 17

993 37 0
                                    

Bagong sikat pa lang ang araw ay nagising na ako. Usually, 10am pa ako nagigising kapag walang pasok. But I got up since I could hear Tita Maggie's mini speaker through the wall. Mukhang nag-z-Zumba na ang magaling kong tita.

I immediately checked my phone and my heart almost dropped when I read Menandro's texts at around midnight.

From: Menandro

Hailey, nandito na ako sa Canlubang. I apologize for my late reply. Hindi kasi ako makapag-cellphone kabang kasama ko si Lolo.

What are you doing?

Hailey?

Haileeey!

HAILEY NOELLE

Fuck I'm so clingy...

Hailey, I'm outside your house. I'm looking at your window right now and you must be sleeping.

Uuwi na ako. Please don't get mad at me when you wake up. Hindi naman ako lumabas sa sasakyan ko. Hindi ko naman gusto na mabuko tayo. I miss you.

Just got home. Maliligo lang ako.

Tapos na. Matutulog na ako. Good night, Hailey :)

What the hell?! Why would I be mad at him? To be honest, disappointed ako sa sarili ko. Kung hindi naparami ang inom ko, hindi ako makakatulog ng maaga!

Umupo ako sa kama at mabilis na nag-tipa ng reply. Sa sobrang bilis ay puro typo ang kinalabasan ng text ko. Huminga ako ng malalim at muling nag-umpisa.

To: Menandro

Good morning, Menandro! Umm, no. I'm not mad. You could've threw a rock at my window, though. Lol I'm kidding. I miss you, too! Anyway, pupunta kami sa Shake & Shape nina Mommy at Tita Maggie ngayon. I believe Lola will tag along so we might go to the mall after that for a last minute shopping.

Nang nahimasmasan ay tumungo na ako sa bathroom. I slipped on my workout clothes and headed to Tita Maggie's room to join her. Itinuro niya sa akin ang kanyang bagong choreography at iyon ang pinagka-abalahan namin sa loob ng isa't kalahating oras.

"That little robotic hand movement in the end kinda ruined it, Tita. I think you should just stick with the first step and repeat it twice to fill in the last seconds of the song," sabi ko habang dinadampian ng towel ang leeg ko.

Isinara ni Tita Maggie ang kanyang tumbler at bumaling sa akin. "Yeah, I can do that. Your idea actually made it better."

She winked at me and I smiled in return. Pagkatapos magpahinga ay bumaba na kami dahil oras na ng agahan. Nagkakagulo ang mga kasambahay sa kusina dahil maagang nagising si Daddy. Hindi naman siya magagalit kapag walang naabutang pagkain sa hapag. Nasanay na lang talaga ang mga ito gawa noong si Daddy pa ang gobernador ng lalawigan.

Aling Nelma gave us some space so Tita Maggie and I could make our own smoothies. After that, we went to the living room while we were waiting for the rest to wake up.

"Pandesal, Hailey? alok ni Kidek na kadarating lang mula sa bakery.

Sumungaw ang ulo ni Tita Maggie sa sandalan ng sofa dahil nakatalikod ito kay Kidek. "Ay gano'n? Si Hailey lang ang inalok?"

Nagulat si Kidek at 'agad bumaling sa aking tiyahin. "Naku, Ma'am! Sorry! Hindi ko po kayo napansin!"

"That's impossible, young man! You didn't notice the goddess? Really impossible..." ma-drama talaga si Tita Maggie.

Napahawak sa batok si Kidek. "Sorry talaga, Ma'am..." Inalok niya 'yung pandesal. "Ito po... Kuha po kayo."

Dumukot 'agad si Tita Maggie sa supot at pagkatapos ay inismiran ako. Ngumiwi ako at kumuha na rin ng pandesal. Kidek looked away when I noticed that he was staring at me.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon