Chapter 39

826 29 0
                                    

Merry Christmas! This one's for you. ❤️

— - - - - - —

The corners of my mouth curled up when I placed the photo on top of the glass stand. Larawan namin iyon ni Menandro na magkayakap habang nakatayo kami sa harapan ng kanyang bahay. It was actually my favorite photograph of us...

Mabilis kong hinatak ang resibo at ibinigay sa may-ari. "Ops! Sorry, I took out the wrong paper."

Ngumisi ang babae. "Ano ka ba, Hailey! Wala 'yon! Nagulat lang ako!" Tinanaw niya si Menandro. "Ang sweet niyo talaga!"

"Thank you..." I forgot her name, so I just smiled widely.

"Wait lang, ah? Unahin ko lang sila," aniya.

Tumango ako at nag-give way dahil ayokong makipagsiksikan kina Lizzy. Daig niya pa ang batang inagawan ng candy dahil nakabusangot ang kanyang mukha. Maging ang kasama niya ay nakatikom na rin ang bibig.

"Hailey..." inakbayan ako ni Menandro. Bumaba ang braso niya sa braso ko at marahang pinisil iyon.

I looked up at him and smiled. "Narinig mo ba 'yung sinabi niya? Ang sweet daw natin!"

His eyebrow shot up when he saw the photo on my hand. Kinuha niya iyon gamit ang kanang kamay at maingat na pinagmasdan. Parang kinukurot ang puso ko habang pinapanood ang reaksyon niyang nanghihina. Why? Did it slip through his mind that we were once a normal, happy couple?

"I didn't know you have this. I thought I lost it..." he whispered hoarsely as he stared at me.

Kumunot ang noo ko at 'di nagtagal ay napagtanto na kinuha ko nga pala iyon sa office niya bago ako pumunta sa Grand Rêve. Right! I stole it.

"Oo nga pala..." I bit my lip. "Ang ganda kasi ng kuha natin diyan, eh. 'Yan ang pinaka-favorite ko..."

Tumango siya at marahan akong pinatakan ng halik sa noo. Much to Lizzy's dismay. Syempre, nakita niya iyon. Kanina pa siya nakatingin sa amin, eh. Kahit nga mukha namang tapos na ang pakay nila dito ay hindi pa rin sila umaalis dahil balak pa ata kaming hintayin.

"Hailey!" sumenyas 'yung may-ari na lumapit ako.

Hinawakan ni Menandro ang kamay ko at siya pa ang humatak sa akin patungo roon. Tumabi 'agad si Lizzy. Menandro towered over us that's why her neck stretched like a string while she was looking at him. Tila hindi naman siya nakikita ni Menandro dahil ito na mismo ang nagsulat ng personal informations ko sa form na ibinigay ng babae.

Nagsalita si Lizzy. "Uh, nice to see you here..."

She was talking to my husband, obviously. Kailan pa ba naging 'nice' kapag nakadaupang palad ng kabit ang totoong asawa?

"Likewise," ani Menandro at hindi man lang siya nilingon.

She smiled at him. "We gotta go. See you around."

Umirap ako at nahuli iyon ng baklang kasama nito. Imbes na mag-iwas ng tingin, nakipagtitigan pa ako para ipaalam na hindi ako natutuwa.

Tumikhim ito. "Lizzy, 'lika na..."

Bumagsak ang mga balikat ni Lizzy at nagpahila na sa kasama niya. She turned around not just twice, but thrice. Menandro never looked back, though. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong maiinis sa ipinapakita niyang pagkukunwari.

Hindi na namin naabutan si Daddy sa bahay dahil nakaalis na ito kasama si Kuya Rudy. Papunta sila ngayon sa airport upang sunduin si Mommy. I even forgot that my mom will arrive today. Napakabait ko talagang anak!

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon