Chapter 8

1.1K 44 0
                                    

Bumaba ako sa timbangan at huminga ng malalim bago iyon tiningnan. From 70 kg, I'm down to 45 kg. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil nagbunga rin sa wakas ang pinaghirapan ko. I lost 25 kg in the span of four months. I held myself back and almost cried because I couldn't eat what I wanted. But I always reminded myself that I'll wear what I eat so, I've learned how to control myself in the most hardest way. Malaking tulong rin ang tips na ibinibigay ni Tita Maggie dahil bukod sa pagiging businesswoman, isa rin siyang fitness instructor sa Shake & Shape.

Kumuha ako ng face towel at pinunasan ang aking pawis. After resting at my balcony for ten minutes, I put the towel in the laundry basket and took a shower. Binilisan ko dahil nagmamadali ako. I'm going somewhere...

Sa nakalipas na apat na buwan ay wala namang masyadong nagbago sa akin maliban sa katawan ko. Now I could wear the clothes that Tita Maggie gave me. For today, I wore a dark blue short-sleeve revere floral shirt. Hindi ko ikinabit ang huling tatlong butones sa ibaba para ibuhol ang magkabilang dulo niyon. Ipinares ko iyon sa black denim shorts at white sneakers.

Then, I tied my hair into a low loose ponytail and brushed my bangs. Kapiranggot na bangs lang na madalas na nakikita sa mga K-drama. I put some tint on my lips and cheeks. Nilagyan ko rin ng pabango ang aking leeg at mga palapulsuhan. I checked everything one last time before I went outside my bedroom.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy nang nagpaalam akong aalis na. Sabado ngayon at wala akong pasok sa school.

Hinawakan ko ang strap ng bag ko, hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Sa bahay po ng classmate ko... Gagawa kami ng presentation para sa Monday..."

Naningkit ang mga mata niya. "Presentation 'agad? Eh, isang linggo ka pa lang pumapasok, 'di ba?"

I met her gaze and nodded my head. "Oo nga po, 'My. One week na kaya marami nang pinapagawa sa amin. 'Tsaka kailangan kong makipag-cooperate para hindi tanggalin ng leader 'yung pangalan ko sa listahan."

Alam kong gasgas na ang palusot ko, pero wala na talaga akong maisip na ibang dahilan.

"Bakit hindi mo na lang sila pinapunta dito? Dadayo ka pa sa kabilang barangay para lang sa presentation na 'yan. Ngayon ka pa talaga aalis kung kailang wala ang mga driver. Ang taray naman pala ng pupuntahan mo at bihis na bihis ka. Ano? May beach party?" ang dami niya pang sinabi, pero maglalabas rin naman ng pera sa huli.

I scratched the tip of my nose and composed myself when she pulled out the money from her wallet. Itinutok niya iyon sa harapan ko, ngunit bigla niyang itinago nang kukunin ko na.

Pumalatak ako. "Mommy!"

"Hmmm, Hailey, anak..." She smirked. "Para namang hindi ako naging estudyante. Magsabi ka ng totoo sa akin at hindi naman kita ibubuko sa ama mo."

I pouted. She lifted the money and I grabbed it instantly. Nanlaki ang mga mata niya. Ipinasok ko na iyon sa sarili kong wallet bago pa niya maisipang kunin.

Nag-seryoso ako. "Mom, I have a boyfriend..."

Tumango-tango siya at umupo na ulit sa swivel chair. Ipinatong niya ang kanang siko sa armrest at nakapangalumbabang tumingin sa akin.

"I know. I was just waiting for you to admit it." She sighed. "Hindi naman kita pagbabawalan dahil darating at darating talaga sa puntong magmamahal ka. Sana lang ay magtira ka para sa sarili mo."

Na-guilty ako dahil tatlong buwan kong itinago sa kanya iyon. Pero ikinakatakot ko kapag nakarating iyon kay Daddy...

"I'm sorry, Mommy. Thanks for your advice; I'll keep that in my mind," I leaned forward to kiss her cheek. Nagpaalam ako at lumabas na sa office.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon