Chapter 59

1.1K 31 0
                                    

Dedicated to: Inyang

She's a co-author and a good friend of mine. You can read her stories @ariesth. Kindly check them out.

For the past weeks, I would say that our lives became more peaceful and easier. Daddy can go to the Senate without the media rushing to him for an ambush interview. Hindi na rin nagpakita si Lizzy sa amin. Pero talagang may kulang pa...

"Malapit na ang kasal ko at hindi pa nagko-confirm si Lola kung pupunta siya..." ani Ate Elise nang minsan akong pumunta sa bahay namin sa Real.

Masyado akong naging busy sa pag-aasikaso ng business na ngayo'y under renovation. Mabuti na lang at maaasahan ang business partner kong si Agassi na kahit may love life na ay patuloy pa ring umaalalay.

Nilapag ko 'yung kutsaritang may ube halaya. "You want me to ask her, Ate? Eh, hindi nga ako no'n kinikibo..."

Sadness was written all over her face. "Pero mas close kayong dalawa, Hailey. Eh, ako? I never had a chance to bond with her."

"Dati 'yon, hindi na ngayon..." I uttered bitterly.

Dumating na si Ramona. May libreng driving lessons siya kay Kidek at iyon ang pinagkaka-abalahan niya nitong mga nakaraang araw.

Bumeso siya sa amin ni Ate Elise. "Sa'n galing 'yung ube halaya?"

"Bigay nina Joseph at Denise," walang ka-gana-gana kong sagot.

Dala ang plato at kutsara, sinamahan niya kami sa dining table. Napangisi na lang ako nang maglagay siya ng sangkatutak na ube halaya sa plato niya.

"Ate Hails, sorry nagasgasan ko 'yung Terra mo." Inangat niya 'yung kamay niya at pinagdikit 'yung hinlalaki at hintuturo. "But it was just a small scratch! Hindi talaga halata! Kahit itanong mo pa si Kidek!"

"You're so defensive! Feeling ko tuloy, hindi lang gasgas 'yon," Ate Elise said suspiciously.

Our cousin pouted. "Hindi nga! Promise!" She, then, smiled at me. She's about to ask me a favor. "Can I use it again tomorrow, Ate? Balak naming pumunta ng friends ko sa Magdapio Falls, eh."

I sighed. "It's fine, Ramona. Basta mag-ingat ka lang—"

Pareho kaming napapitlag nang hinampas ni Ate Elise 'yung lamesa. She looked as though she just cracked the hardest code that has ever existed in the freakin' world.

"That's it!" She glanced at Ramona. "What time are you going there?"

Sumagot ang nalilitong si Ramona. "Hmm, 9 o'clock ang usapan namin, Ate. Sasama ka? 'Di pwede! Kami-kami lang dapat!"

Mukha namang hindi na iyon narinig ni Ate Elise. Malaki ang ngisi nito habang may tinatawagan sa cellphone. Ramona and I looked at each other and shrugged our shoulders at the same time.

"Bakit biglaan ang pagpunta n'yo ro'n?" tanong ng ka-video call kong si Menandro.

Nag-e-empake ako ngayon ng mga dadalhin ko sa Pagsanjan. Itong si Ate Elise, alam na nga'ng buntis siya, 'yung outdoor adventure pa ang naisip gawin.

"Hindi rin ako sigurado, pero gustong-gusto talaga ni Ate Elise pumunta, eh. 'Buti nga at napapayag niya si Kuya Mario."

Tumingin ako sa screen at kitang-kita ang pagsasalubong ng mga kilay ng asawa ko. "Ano'ng pinayagan? Inutusan nga ako ni Kuya na sabihin sa 'yo na kumbinsihin mo si Elise na 'wag nang tumuloy."

Sa tono ng pananalita niya, parang ako na mismo 'yung gusto niyang kumbinsihin na 'wag nang pumunta roon.

I smirked at him. "Sa Shoot the Rapids kami. We won't trek our way to the falls 'coz it could really be dangerous for my sister."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon