Chapter 46

896 28 0
                                    

The days have passed by like a wind. Papalapit na ang araw ng eleksyon at sumakto pa ang task na pinapagawa ni Coach Raven sa event na inorganisa para sa partido nina Daddy. She instructed us that we have to perform at two events to boost our confidence. I'm looking forward to it even though I'm a little bit nervous.

Right after the training, I called my father to ask him if Harmony and I can perform at their Miting de Avance.

"Who's going to perform with you? Sa akin, walang problema. Pwedeng-pwede ko kayong isingit sa program," he said.

Napangiti ako. "Si Harmony po, Dad. Thank you so much!"

"Harmony? Ang cute ng pangalan, ah?" Tumawa siya. "You're most welcome, anak! I'll send you the details later. Mag-aayos lang kami ng mga gamit at luluwas kami pa-Maynila mamaya."

"Okay, Dad. Ingat po kayo! Bye!" masaya kong ibinaba ang tawag at 'agad nag-report kay Harmony.

Nag-practice kaming dalawa sa araw na iyon. Dhebie taught us some easy dance steps para naman hindi kami magmukhang tuod habang kumakanta sa stage.

"Hello?" bungad ko sa tawag ni Menandro. Kasalukuyan akong nagpapahinga sa kwarto ko.

Medyo naririnig ko 'yung hingal niya kaya kumunot ang noo ko. "What are you doing?"

"Umaakyat sa hagdan. Under maintenance 'yung elevator, eh. Nasa 5th floor pa naman 'yung susunod kong klase," natatawa niyang sabi.

Ngumisi ako. "Exercise 'yan! Tamang-tama at hindi kana nakakapag-workout!"

"Every weekend ang workout ko. Nakalimutan mo na ba?" malisyoso niyang bitaw.

Kinagat ko ang labi ko at nakangiting yumakap sa unan. "Sorry ka na lang, pero puno 'yung schedule ko this weekend, eh. Harmony and I are going to perform at the Miting de Avance. 'Tapos may isa pa 'kong event na dadaluhan sa Sunday."

"Hmm, you're busy on Sunday?" bitin 'yung sinabi niya, pero alam kong may gusto pa siyang idagdag do'n.

"Oo, nakausap ko na 'yung kakilala ko, eh. Required kasi kaming kumanta sa dalawang event..." pumikit ako at mas diniin ang mga ngipin sa ibabang labi ko.

Bumuntong-hininga siya. "Alright. I'll pick you up tomorrow. Nandito na ako sa tapat ng classroom. I love you."

"Okay. I love you, too!" sabi ko bago binaba ang tawag.

He sounded so disappointed! Kung alam niya lang...

Sumandal ako sa headboard at nag-compose ng text message para kay Billie.

To: Billie

Ano na? Napuntahan mo na ba 'yung venue?

Hindi 'ata busy ang mokong na 'to kaya mabilis mag-reply.

From: Billie

Yes, Ma'am! Ang ganda ng lugar. Sabi ng event manager, Linggo ng umaga sila magsisimula sa pagde-decorate kasi gagamitin 'yung venue bukas ng gabi.

He sent another message.

Nga pala, nakuha na ni Ramona kay Kelly 'yung dress mo. Plantsado na rin ang ibang kailangan, Ate.

And... another one.

'Yung TF ko ah? Malaki-laki ang babayaran mo sakin :D

Malapad ang ngiti ko habang nagre-reply. Excited na talaga akong makita ang magiging reaksyon ni Menandro kapag nalaman niya ang mga pinaggagawa namin! Magtatampo sa 'kin 'yon, pero huhupa rin naman kalaunan.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now