Chapter 41

997 27 0
                                    

Madilim pa nang umalis kami sa bahay. We'll join Daddy's motorcade today. Nagtungo na siya sa Metro Manila at doon sinimulan ang pangangampanya kasama ang kanyang mga ka-partido. Pagkatapos ng halos isang linggo niyang pananatili roon ay 'agad niyang sinuyod ang mga munisipalidad sa lalawigan ng Laguna. At, ngayon nama'y nakatakda naming libutin ang isa sa mga siyudad na pangungunahan ng bayan ng Biñan.

Lulan ng van ang pamilya namin habang naka-convoy naman ang malaking SUV ng iba pang kakilala. Since we didn't have enough time to eat breakfast, we just bought some food at the famous fast food restaurant.

"My gosh! They forgot to give us the utensils! How are we supposed to eat these?" reklamo ni Ramona sa katabi niyang si Billie sa likuran.

Mabuti na lang at hindi nagising si Lola Esmeralda sa lakas ng bases niya. Kung nagising man ang matanda, malamang ay mahaba-habang sermon ang aabutin niya.

"Why are you even asking that? When you eat, you use your mouth, right?" ang aga-aga ay badtrip na 'agad ang kapatid ko.

"Ay, okay! Brokenhearted ka nga pala. Wrong move! Sorry!" ani Ramona.

Tumikhim si Daddy. "Rudy, ihinto mo na lang 'yung sasakyan 'pag may nakita kang convenience store."

"Okay po, Sir,. Malapit na lang 'yung 7 Eleven dito," said Kuya Rudy and continued his conversation with Mang Balmo who was sitting on the front seat.

My parents and my grandmother are situated in the second row. Nagka-kamay lang habang kumakain ang mga magulang ko. Paminsan-minsan ay pinag-uusapan nila ang mga kaganapan ngayong araw. O kaya naman ay abala si Daddy sa pagbigay at paghingi ng updates sa kanyang mga ka-partido na patungo na rin sa Biñan. Solo naman naming dalawa ni Menandro ang upuan sa third row.

"Can I have your egg?" I asked him 'coz I already ate mine.

He gladly gave it to me. "'Yan lang ang kakainin mo? Baka hindi 'agad tayo makakain mamaya. Paniguradong mahihilo ka sa gutom. Eat some rice, please."

"Walang utensils..." bulong ko sa kanya.

Ibinaba niya ang lalagyan ng pagkain niya at pinilas ang takip niyon. Kunot-noo kong pinanood ang ginagawa niya. He folded it and tear the other half. He folded it again and did the same thing until it became so small. He rolled it up and turned it into something that can scoop up the food.

Ngumisi siya at pinisil ang ilong ko sapagkat nahihimigan niya ang pagka-mangha ko. Inabot niya sa akin 'yung "finish product".

"Use that as a spoon," aniya at binigyan rin sina Billie at Ramona.

Excited na inilabas ni Ramona ang pagkain niya mula sa paper bag. "Ang taba naman ng utak! Thank you, Kuya Menandro!"

"Thank you, Kuya," Billie uttered coldly.

Pinagsaluhan namin ni Menandro 'yung mga pagkain. I ate a lot! Well, he made sure that I'd eat well. Siguradong hindi na ako magugutom mamaya. Isa pa, tagahagis lang naman kami ng mga candy o freebies sa mga taong madadaanan namin.

"Mayor Cabañas has just arrived. Early bird talaga ang isang 'yon," natatawang sabi ni Daddy matapos makakuha ng update.

"Good for her. It only signifies that she's well-prepared," sagot ni Mommy.

Hinawakan ni Menandro ang kamay ko. An assuring smile flashed on his face. Ngumiti naman ako pabalik. Sumandal ako sa kanyang dibdib at itinuon ang tingin sa bintana.

Tatakbo ito sa pagka-gobernador. The chances of seeing Lizzy there are high. Hangga't maaari ay magtitiis ako na 'wag siyang komprontahin dahil hindi naman ako pumunta roon para mag-eskandalo. I'll ignore her just so I can protect my father's image.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now