Chapter 60

1.4K 36 0
                                    

You've reached the last chapter!

Up Next: Menandro's Point of View

—————

For Menandro, going back to San Vicente Ferrer Parish was surreal. This is where he felt something different towards me. The first time he heard my singing voice, he knew he would anything just to hear it again.

But today was an exemption for we all gathered in here to celebrate the marriage of Mario and Elise...

It surely created a buzz to those who knew the history between our families. Idagdag pa ang pagdating ni Alexandra Carvajal na ilang taong hindi nakatapak sa Laguna. My father didn't make an official announcement regarding the rumors spreading out on the province. First of all, it was a private matter. Secondly, we wanted to respect our loved ones, so we avoided their questions about it. And lastly, Mario Silverio and Elise De los Rios deserved happiness after all they've been through.

"Tita Maggie, thank you sa waterproof eyeliner at mascara na dala mo!" si Ate Elise na naluluha matapos basahin ang sulat na galing kay Kuya Mario.

Tumawa si Tita Maggie at mula sa likuran ay niyakap niya si Ate Elise. "No problem, dear! 'Wag ka nang umiyak dyan at mahihirapan 'yung makeup artist na i-retouch 'yung eyeshadow mo!"

Kusang lumapit sa kanila 'yung makeup artist para ayusin 'yung kumalat na eyeshadow ni Ate Elise. Ngumisi ako at humarap na ulit sa vanity mirror upang panuorin ang pagpusod ni Denise sa buhok ko. Romantic low updo hairstyle ang ni-request ko sa kanya.

Ilang sandali pa'y pumasok sa kwarto ko sina Billie at Isiah para maki-usyoso. Naka-white dress shirt ang dalawa at sa simbahan na lang daw nila isusuot ang mga coat nila.

"Ano? Papa-makeup din kayo?" pang-asar na tanong ni Ramona na kasalukuyang inaayusan ng isa pang makeup artist.

Isaiah sneered at his sister. "Payag ka? Baka matalbugan kita!"

Nagtawanan kaming lahat. Kung hindi lang nakasuot ng dress si Ramona, malamang ay tumayo na siya para batukan 'yung kuya niya.

Nagawa kong hilahin 'yung manggas ng dress shirt ni Billie bago niya ako lagpasan. My grumpy brother glared at me. Maarte niyang pinagpagan 'yung manggas na para bang may virus akong dala.

"Alis na nga kayo! Masikip na sa kwarto ko!" sabi ko.

"May pinapakuha si Mommy. Nasa'n ba 'yung kwintas na isusuot niya? Nakalimutan daw niyang isuot," anito.

"Oh! I know where it is! Si Ate Harlene talaga! 'Buti naalala niya, no?" tumayo si Tita Maggie at lumapit sa dresser. Inabot niya 'yung black suede box sa kapatid ko.

"Thanks, Tita Maggie!" he smiled sweetly at her.

Nagkatinginan kami ni Ate Elise, tila iisa lang ang nasa isip namin. I crossed my arms and almost rolled my eyes. Mabuti pa si Tita Maggie! Where's my sweet little brother?

Patapos na si Denise sa buhok ko nang makatanggap ako ng text mula kay Menandro. In-update niya lang ako na malapit na raw sila sa Calamba. Nanggaling pa kasi sila ni Kuya Mario sa San Pedro at ilang araw naglagi roon para maka-bonding si Don Pablo.

Ngumiti ako at nag-tipa ng mensahe para sa asawa. I was spraying some perfume on to my neck when he texted me back.

From: Menandro

Mas excited pa si Lolo kaysa kay Kuya. Hindi na nga mapakali dito sa sasakyan! Kanina pa sila magkatawagan ni Lola Esmeralda.

Humagalpak ako ng tawa kaya napatingin ang mga kasama ko sa akin. Ayieee! BFF na ulit sina Don Pablo at Lola Esmeralda!

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ