Chapter 4

1.3K 54 0
                                    

Ang busina ng sasakyan ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Ibinaba ni Menandro ang bintana at ginalaw ang ulo, pinapapasok ako. But I thought Kuya Rudy would pick me up...

Nakatungo akong lumapit sa pinto sa likuran. I pulled the door handle and was about to get in when Menandro released his head out the window.

"This isn't a taxi. Dito ka sa harapan umupo," na-alarma ako sa pagsusungit niya kaya 'agad akong umikot.

Maingat akong umupo sa front seat, takot gumawa ng pagkakamali. Nag-seatbelt ako at itinagilid ang ulo para tanawin ang bintana. Menandro drove in silence and I was getting used to it. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at siya ang sumundo sa akin, pero sisiguraduhin kong hindi na ako magiging pasahero kapag siya ang magmamaneho.

I groaned. Sumasakit na ang leeg ko kaya humarap ako. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang saglit na paglingon sa akin ni Menandro.

"Nasa'n si Mario?" poker face kong itinanong, ang mga mata ay nananatiling nakatutok sa daan.

Natagalan ang pagsagot ni Menandro. "Bakit mo hinahanap ang kapatid ko?"

"Akala ko kasi siya ang nag-drive ng sasakyan niya..." kaya naman nagulat ako nang nakita kong ikaw ang nakaupo sa driver's seat.

Bumaling siya sa akin, mas matagal na ang pagtitig sa aking mukha. "This isn't his car. Sa akin ito."

Tumingin ako sa kanya dahil bahagya akong naguluhan. "A-Ah... So, 'yung Fortuner ang kay Mario."

"Sa akin rin ang Fortuner..." Pa-irap siyang nag-iwas ng tingin. "'Tsaka mas matanda siya sa 'yo. You should call him 'Kuya'. You're not just assuming, Miss. You're also rude, you know?"

I crossed my arms and scoffed at him. I couldn't believe what I've just heard. "Excuse me? May problema ka ba sa akin? Ang dami-dami mong napuna, pero sa sarili mo hindi mo magawa."

Tiim-bagang siyang tumingin sa akin habang ang mga mata'y unti-unting nagdidilim. "Look who's talking... I should've told you that."

Dinuro ko siya at sinuklian ang tingin niyang puno ng panghuhusga. "W-What do you mean? Ako pa talaga, ah? Akala mo ba hindi ko napapansin na palagi mo akong sinusungitan?! Nang dahil ba sa mangga mo? Binayaran ka na 'di ba?"

Tas-baba ang aking dibdib pagkatapos kong sumabog na parang bulkan. Ibinaba ko ang kamay ko at ikinuyom ang palad. Menandro didn't even flinch. He was just staring at me like I've said the most amazing thing ever. Little did he know, that scared the hell out of me. That unaffected expression painted on his face scared me so much that I wished I had never spoken. I should've bit my tongue and just sat here like a frozen ice.

"You haven't changed at all. You're still the naive little girl I've met four years ago. I hope you'll stay here for good so you can finally pay what you owe me..." binunot niya ang susi mula sa ignition at padabog na isinara ang pinto.

"T-Teka!" tumingin ako sa labas at wala akong kamalay-malay na nakarating na pala kami sa bahay.

Nataranta ako dahil natatakot akong lumabas sa sasakyan. I tried to digest everything, but got distracted because my heartbeat sounded like a bomb timer to me. I owe him? Imposible! Pero hindi naman niya ako pagsasabihan ng gano'n kung wala lang.

I covered my face and rubbed my palms on it irritably. Ang unang pagkikita namin ay noong nag-deliver siya ng mangga. I was polite to him and he wasn't. What had happened four years ago? What did I do to him? I can't remember. I really have no idea.

"Hailey, gumising ka na—Gising ka na?!" napahawak sa dibdib si Mommy dahil pagkabukas niya ng pinto, ang mga mata kong hindi kumukurap ang una niyang nasilayan.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DМесто, где живут истории. Откройте их для себя