Chapter 28

809 30 0
                                    

Natahimik kami nang kapatid ko nang narinig namin ang malalim na paghinga ng aming ina sa kabilang linya. Billie drove the car faster as we passed through the tollgate. Naibaba ko naman ang mga kinakain ko para makuha ang cellphone mula sa kanyang kamay.

Itinapat ko iyon sa kaliwang tainga ko at napatingin sa bintana. "Napatawag ka, 'My?"

May nakatakdang oras para sa pagtawag niya sa amin. Even Tita Maggie couldn't make a call anytime she wants dahil pareho silang busy ni Mommy.

"Tinawagan ako ni Elise," panimula niya.

Kumunot ang noo ko. "Oh, she did? What did she say?" naramdaman ko ang pagpihit ng ulo ni Billie sa banda ko.

"Tinawagan niya ako para ipaalam sa 'yo kung pwede raw ba siyang manghiram ng dress sa closet mo, anak," aniya Mommy at natigilan.

"Why would she ask that? Para po ba sa party ni Don Pablo?" Billie cocked his head to my side again, but I ignored him. "Pinagawan ko na po siya ng dress kay Kelly, Mom. I have a copy of her measurements—Wait! It didn't fit?"

Namilog ang mga mata ko roon. Kelly has surely created a pattern for alterations if we wish to make an adjustment. I groaned as I realized that Ate Elise's Filipiniana dress was so outdated.

Tanga ka, Hailey!

But then... it would still fit her, right? Yes, she gained some weight, but we can still fix that dress.

"Mommy, I'll just text Ate Elise. Sorry po sa istorbo."

Narinig ko ang pagngiti niya. "That's better, Hailey. You should communicate with her more. Anyway, I have to hang up now. Iniwan ko si Magdalene sa meeting room at baka nganga lang ang isagot no'n sa mga tanong na ibinabato sa kanya."

Natawa ako. I could imagine my aunt's face! Spokesperson pa naman no'n si Mommy madalas.

"Alright, Mom. I love you—"

Sumabat si Billie. "Love you, 'My! Take care," halos lumiyad na siya para lang maabot ng bunganga niya 'yung cellphone ko.

Hinampas ko ang braso niya. "Billie! Eyes on the road!"

Mommy chuckled. "I love you both! Ingat kayo pauwi. Balitaan niyo na lang ako sa party ng Don."

I typed in a text message for my sister.

To: Ate Elise

Ate, pwede kang humiram ng dress ko. Pasok ka lang sa kwarto ko. The new ones are hidden beneath the casual ones.

Kinagat ko ang labi ko at nag-type ng panibagong mensahe.

Pauwi na rin kami ni Billie. Itago mo na muna 'yung bago. Let's see what we can do.

When I sent it, a new text message came in. I thought it was from Ate Elise, but my heart pounded hard when I saw Menandro's name on the screen.

From: Menandro

Good morning, Hailey. Are you awake? Nandito ako sa labas ng bahay niyo.

Oh, God. Pumikit ako ng mariin at muling binuksan ang mga mata nang nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Menandro

Binilhan ko kayo ni Billie ng pagkain. Baba ka saglit para makain niyo habang mainit pa.

For some reason, nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa matinding kaba. I suddenly forgot how to compose a message.

When my phone vibrated once again, I knew I had to answer his call.

"Hello..." natulala ako sa traffic sa harapan. Nilingon ako ni Billie at bigla niyang hininaan 'yung stereo.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now