Chapter 21

999 37 0
                                    

With a heavy heart, I bowed down and closed my eyes as I listened to the priest. Lahat kami ay gumising ng maaga para sa unang misa ng Bagong Taon. Namumugto pa rin ang mga mata ko galing sa pag-iyak kagabi kaya gumamit ako ng false eyelashes at nag-apply ng concealer para lang maitago iyon.

"Ate..." Marahan akong siniko ng nasa kanan kong si Billie. "Ako na lang ang magdadala ng offer natin sa altar," aniya at tahimik na tumungo sa likuran.

Ako dapat ang maghahatid niyon, pero napansin ng kapatid ko na wala ako sa mood. I sighed and sat down. Nananalangin ang mga katabi ko kaya iyon ang ginawa ko. Pagkatapos kong dumilat at mag-Sign of the Cross, nagkatinginan kami ni Ate Lizzy na siyang nakaupo sa pinaka-unang row sa right side. Katabi niya ang kanyang ina at ang Calamba City Mayor na si Theresa Cabañas. Nasa left side naman kami, katapat nila.

Ate Lizzy smiled at me awkwardly before she faced her mother, who was also looking at my direction. Nag-iwas ako ng tingin at umupo ng maayos. Nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil bukod sa ngayon ko na lang ulit siya nakita, hindi naman niya ugaling ngitian ako.

After the mass, we went home immediately. Magiging abala na naman sina Daddy at Mommy ngayong araw dahil darating raw ang mga pulitikong ka-alyado ni Daddy. Sasamantalahin ko naman ang pagkakataon para makaalis sa bahay namin. Mommy and Tita Maggie already knew where I was going...

Pinalitan ko ang suot kong dress ng black printed t-shirt na naka-tuck in sa black leather mini skirt. I slipped on my black studded ankle boots. Naka-bun ang buhok ko at nag-iwan ng iilang hibla sa magkabilang gilid ng aking mukha. I was also wearing my cropped blue denim jacket and a dual black choker necklace with a star pendant. Nagmukha akong rockstar sa outfit ko, but I totally loved it!

Bitbit ang aking leather backpack at si Cotton na nasa kanang braso ko, dumiretso ako sa office ni Daddy.

Kumunot ang noo niya pagkatapos kong magpaalam. "Kina Agassi ka ngayon? Pwede bang bukas na lang, anak? May darating tayong mga bisita. Gusto kitang ipakilala sa kanila. Isa pa, may mga magsasama ng anak at baka may matipuhan ka..."

I lied. I told him I was going to Agassi's house and that I couldn't stay here as we already planned it out.

"I'm sorry, Dad. Susubukan ko na lang po umuwi ng maaga..." Or bukas na lang ng umaga ako uuwi.

Bumuntong-hininga si Daddy sabay sandal sa swivel chair. "Are you ignoring your sister?"

Honestly, I never expected he'd ask me that. Napakaingat niya basta tungkol kay Ate Elise ang usapan. He doesn't wanna hurt her feelings. Iniisip niya rin ba na ayaw ko sa kapatid ko?

"Hindi po, Daddy. Hindi ko po gagawin 'yon."

Si Ate Elise nga ang umiiwas sa akin, eh.

Daddy's eyes narrowed. "Are you happy that she's here?"

Tumango ako. "Of course, Dad. Masaya po ako na kumpleto ang pamilya natin."

"Then it won't be a problem if she moves back in here?" He shifted in his seat uncomfortably. "Tinanong niya ang Tito Orlando mo kung open ba ang position ng manager sa resort. He said yes. She might... get the job."

Napalunok ako. "I'm fine with it, Dad."

He sighed. "Good. Si Mama na lang pala ang problema kung gano'n," he massaged his temples.

"Ano pa po ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Lola kay Ate Elise? Hindi kasi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tanggap ang kapatid ko."

Natigilan si Daddy at lumihis ang tingin sa ibang bagay. "S-She'll accept her. She needs time and we just need to be patient."

Hindi pa ba sapat ang 24 years? Hindi ko na talaga maintindihan si Lola Esmeralda. She's too much.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon