Chapter 7

1.2K 43 0
                                    

Sinundan namin ni Joseph ang kararating lang na mga sasakyan sa parking area. Bumaba si Ate Elise sa Fortuner at 'agad akong hinatak palayo para kausapin.

"Joseph, punta ka muna kina Nadine! Pakisabi na mauna na kayo sa loob! Susunod ako 'agad!" sabi ko habang sinusundan ako ng tingin nina Nadine.

Dinala ako ni Ate sa tapat ng pavilion na pinakamalapit sa parking area. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Hailey?" pa-galit ngunit mahina niyang tanong.

Bumalik ang tingin niya sa sinakyan kaya napatingin rin ako doon. Isa-isang bumababa ang mga pasahero ng Fortuner. I even saw Hera waving at us, but I didn't wave back. Pumangalawa sa huling bumaba si Carla na ang mga mata'y nakatutok sa Range Rover. Ate Lizzy went outside and took the box of the cake in the front seat. Pinatay ni Menandro ang makina at bumaba na rin para batiin ang iba. Habang naglalakad ay lumingon siya saglit sa gawi namin.

"Why did you invite that girl from your choir? Nandito si Carla!" may diin ang bawat salitang binigkas ni Ate Elise.

I looked at her. "Why can't I invite her? Malapit siya sa birthday celebrant, Ate. She's our leader! And what about you and the gang? May birthday celebration rin ba sa inyo?"

Natawa siya. "If you can bring your friends in here, why can't I do the same? No'ng araw na nagpaalam ka kay Daddy, sinabi ko rin na dadalhin ko dito ang mga kaibigan ko. Next week na magsisimula ang OJT ko dito kaya gusto kong makipag-bonding sa kanila."

"May kani-kaniya naman pala tayong dahilan kung bakit tayo nandito, Ate. But why are you blaming me for bringing Ate Lizzy? It's not like she's Menandro's mistress! He's courting her and everyone knows that! Sabihin mo kasi kay Carla na 'wag nang maghabol—"

Nanlaki ang mga mata niya at marahas akong hinila palapit sa kanya. "Ayoko ng gulo, Hailey, ah? Just mind your damn business!"

Pumiglas ako at binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Mind your own business, too! Ate Lizzy is my guest so you must monitor your friend's behavior from time-to-time and tell her to behave!"

"Tandaan mo ang mga pinagsasabi mo sa 'kin, ah?" aniya ngunit tinalikuran ko na siya.

I rolled my eyes. Yeah, whatever!

Mula nang dumating ako sa Laguna ay ngayon na lang ulit kami nagtalo. Iniiwasan kong mangyari iyon, pero nakakaubos na rin ng pasensya. I just couldn't zip my mouth forever especially with that bitchy attitude of hers.

Pumasok ako sa main entrance at nilapitan ang bumungad na tatlong magkaka-dikit na cottage sa kaliwa. The resort has a total of thirty cottages and they're all occupied today. Nakapalibot ang mga iyon sa tatlong malalaking pool at ang man-made rock formations at mga puno ang naghahati sa mga iyon.

I personally picked Cottages 1, 2, and 3 because they're facing the biggest pool in here. May twin slides at bridge doon. Malilim rin sa bahaging iyon kaya presko sa pakiramdam lalo na tuwing hapon. Usually, 8 a.m. to 5 p.m. lang maaaring magbabad ang mga tao sa mga pool, pero nagbigay si Daddy ng limang oras na palugit dahil espesyal ang araw na ito.

"Hailey, sobrang thank you talaga! Ang saya-saya ko!" Nadine hugged me and jumped continuously.

"No worries, Nadine! Just enjoy your day!" nakangiti kong tugon at binalingan ang kanyang mga magulang na walang sawa ang pasasalamat.

Ang Cottage 1 ay eksklusibo para sa pamilya at ilang kamag-anak ni Nadine. Doon inilagay ang mga pagkain at inumin. Ang Cottage 2 & 3 naman ay pinaghatian naming mga choir member. Kasama ko sina Billie, Ynez, Kuya Jin, Ate Lizzy, Denise, Rya, Joseph, Shelby, at Zach sa Cottage 2. The rest are chilling at the last cottage while we're waiting for the cue to dive into the pool.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon