Chapter 5

1.3K 42 0
                                    

I set the alarm for 6 a.m. Linggo na naman at dahil hapon pa ang schedule ko, nauna nang mag-simba sina Daddy. Ako at si Kuya Jin lang ang naiwan sa bahay.

"Good morning, Hailey!" bati nito habang umiinom ng kape sa living room.

"Good morning, Kuya!" Pinaglapat ko ang mga labi ko. "Kumain ka na?"

"Hindi pa. Hinihintay kita," tumayo ito at nag-aya nang kumain.

"Kuya, saglit!" Tuluyan akong bumaba sa hagdan. "Mauna ka nang kumain. Mag-j'jogging muna ako sa labas..."

Tita Maggie was so happy when I told her what I'm going to do. Wala akong ibang choice at para rin naman ito sa akin.

Umawang ang bibig ni Kuya Jin nang nakita ng maayos ang suot ko. I was wearing a gray v-neck t-shirt, black workout pants, and a light pink and gray running shoes. I just washed my face and brushed my teeth, then I tied my long hair into a ponytail.

"U-Uh, sige. Mauuna na lang akong kumain. Ingat ka..." he looked away and sipped his coffee.

Tumikhim ako. "O-Okay, Kuya. Salamat."

Naglakad ako palabas at hindi na lumingon. I cupped my face and instantly felt the heat all over my body. Nakakahiya! May sleep marks pa naman sa kanang pisngi ko!

Umiling-iling ako at nagsimulang mag-warmup. Pagkatapos ay naglakad ulit ako at huminto pagdating sa kanto. Mga pamilyar na mukha ang bumati sa akin. Ang iba naman ay nangingilala dahil matagal akong nawala at kapag umuuwi naman ay hindi nagtatagal.

"'Yung crush ko!"

Napalingon ako sa binatilyong kumakain sa lugawan sa kabilang kalsada. Nakatayo ito, tinatanaw ako. Napatingin sa akin ang apat nasama nito pati na ang ibang kumakain.

"Anak ni Gov! Si Manila Girl!" bulalas ng isa at sabay-sabay silang kumaway sa akin.

Manila Girl? That's what they call me?

"Kain tayo!" sabi ng naunang lalaki.

Ngumiti ako at umiling. "Kain lang kayo! Salamat!"

Hindi matagalan ang atensyong nakukuha mula sa mga taong nakapaligid sa akin, ikinabit ko 'yung earphones at tumakbo palayo. Ang bahay namin ay hindi nakatirik sa subdivision, pero safe namang mag-jogging dito sa lugar namin dahil walang masyadong dumadaan na sasakyan. Kung mayroon man, karamihan ay private vehicles at mga pampasaherong tricycle at pedicab.

I went back to our house after running around for almost an hour. Pinagpawisan ako ng husto at sumakit ang mga paa't binti ko dahil hindi ako sanay. But it was worth it. I'll jog everyday. Maybe, I'll enroll in a Zumba class at Shake & Shape Studio, a fitness dance studio owned by Mommy and Tita Maggie. It has 150 branches all over the Philippines and South Korea. May walong branch sa Laguna at ang isa ay itinayo dito sa Calamba. Ilang lakad lang ang layo niyon mula sa SM.

Uulan sa ilang parte ng Laguna ayon sa weather forecast ngayong araw. Mukhang kasama ang Calamba doon dahil unti-unting dumidilim ang kalangitan.

"Hailey, ito na ang payong. 'Wag mong iwanan sa simbahan, ah?" ani Aling Nelma pagka-abot sa akin ng payong na parang tungkod.

"Opo! Salamat, Aling Nelma!" the old woman smiled at me.

Bitbit ang malaking payong, tumungo ako sa labas ng bahay para magpaalam kina Daddy at Mommy. As usual, every Sunday ang pamamahagi ng pagkain sa aming mga kapitbahay.

"Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ni Daddy.

Malikot ang mga mata ko dahil nag-iisip ng isasagot. Unfortunately, my gaze went on and on and it stopped at Ate Elise's table. Naroon si Menandro Silverio, nakatingin rin sa akin. Kagagaling lang niya sa simbahan at ang kadalasang puting t-shirt na suot niya ay pinalitan ng branded black t-shirt. His ravishing thick, black medium-length hair that was brushed up today was on point. It appeared to be messy and I liked it that way...

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now