Chapter 57

952 37 0
                                    

This chapter is dedicated to my grandfather. Get well soon, Lolo! ❤️

Nadatnan ko sa bahay namin si Menandro. Kasama niya 'yung kakilala niyang "magaling" na hacker na huhuli sa kapwa nito hacker.

Lahat ng kasama ko ay nagsitungo sa kwartong nagsisilbing opisina ni Daddy. Naiwan naman kami ni Menandro sa dining area para panoorin 'yung ginagawa ng hacker.

Inginuso ko 'yung lalaki. "Sa'n kayo nagkakilala nyan?"

"Remember the driver of the L-300?" He smirked at me. "That was him. Magkababata kami."

"L-300?" tumango siya. "Oh, I remember it now!"

Pinulupot niya 'yung braso niya sa baywang ko at pareho kaming bumaling sa kaibigan niyang chill na chill na nagta-type sa laptop.

"Dito talaga siya naka-base. He's a web developer at my grandfather's company. Nagkataon na umuwi siya sa Laguna no'ng araw na 'yon kaya isinama ko."

Tumango ako. "I see. Pero malalaman niya ba talaga kung sino 'yung nag-upload ng photo sa page ni Dad?"

"Don't underestimate him, love." He grinned as he massaged my shoulders. "Relax ka lang. Ang mabuti pa, puntahan mo muna ang daddy mo. Kanina pa 'yon nag-aalala na baka magkaro'n sila ng hindi pagkaka-intindihan ng mommy mo."

I tilted my head and glanced at him. "Really? Mas inaalala niya 'yon kaysa sa opinyon ng mga tao?"

His mouth moved upward. "Yeah, it turned out that he's afraid of what your mom might think of him."

Sinunod ko ang sinabi ng asawa ko at pumunta na sa opisina ni Daddy. My father looked so devastated when he found out that Lola Esmeralda said to us before we left. Magkatabi sila ni Mommy at seryosong nag-uusap. Tinawag naman ako ng mga kapatid at pinsan kong nakaupo sa couch.

Umupo ko sa gitna nilang dalawa. "Ano'ng balita? Kumusta na 'yung IT professionals na tumutulong kay Dad?"

"They're weak," said my mean brother.

I frowned at him. "Why don't you do it yourself, then?"

"I would if I could," anito at nagpatuloy sa pagre-report ng hate comments.

Ayokong mag-away kami kaya pinabayaan ko na lang. Sinilip ko si Ate Elise at kinalabit ito.

"Ate, can we talk in private?" tinangkang lumingon ni Billie kaya hinawakan ko namin ni Ramona 'yung ulo niya para diretso lang ang tingin niya.

My sister pursed her lips. "Sure. Let's go to your room."

Ramona narrowed her eyes. "Pwede akong sumama? I just wanna sleep. Promise!"

Nagkatinginan kami ni Ate Elise at sabay na tumango. Pagdating sa kwarto ko, totoo nga't bumulusok 'agad si Ramona sa kama. Tumungo naman kami ni Ate sa balcony.

Sumandal siya sa railings at hinimas ang kanyang tiyan. "You know, Hailey, what happened to our father really bothers me. Not because of the turmoil, but because I think I know who's behind it."

Mula sa pagkakahalukipkip ay naibaba ko ang mga braso ko. Ate Elise looked so serious and really determined that it scared the shit out of me.

"What do you mean you know who did that?" mariin kong tanong sa kanya.

"Billie always stayed at home when he went back to Laguna. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ni Nadine. Apparently, the girl wanted him back; but Billie was really really mad at her. May nabanggit ang kapatid natin na may alam raw siya na hindi alam ni Nadine at ng kasabwat nito. At first, I didn't understand what he meant. But when he mentioned Lizzy, may bigla akong naalala..."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon