Chapter 19

968 44 0
                                    

"Menandro called me..." bulong ni Mommy habang hinihila ako papasok sa master's bedroom nang maagang umalis sina Daddy para bumili ng fresh seafood kinabukasan.

She locked the door and I walked after her silently. Umupo ako sa king size bed at siya nama'y tumutok sa salamin at naglagay ng kung anu-ano sa kanyang mukha.

"What did he say, Mom?" bakas ang pagtataka sa tinig ko.

She glanced at me while she was tapping the cream to spread it evenly on her face. "He asked for my permission. Dadalhin ka raw niya sa Canlubang ngayon para sa hinandang party ng mga kaibigan niya."

My eyes widened. "What—As in ngayong araw, 'My? I thought we're going to Bay..."

Iyon ang huling pinag-usapan namin kagabi. Doon namin naisipang mag-date kaya naman nabigla ako nang direkta siyang nagpaalam kay Mommy. Hindi naman ako nagrereklamo. Naninibago lang ako dahil sanay akong tumakas noon tuwing may date kami ng ex ko. Menandro's really different...

Tumikhim si Mommy. "Mabuti pa't mag-prepare kana, anak. Ako na ang maghahatid sa 'yo."

Ngumisi ako. "Really, 'My? Okay! Gagayak na po ako."

Tumawa siya at napa-iling. Maligaya akong lumabas sa silid. Sa hallway, nasaksihan pa ni Tita Maggie ang paglutang ko sa alapaap.

"Hmmm, saya mo, ah? What's up?" pang-asar niyang tanong.

"I have a date..." I winked and her eyes widened as I walked passed by her.

"Damn! SANA ALL!" narinig ko ang sigaw niya pagkapasok ko sa aking kwarto.

Humalakhak ako. Hinugot ko ang gagamiting tuwalya at pumasok na sa bathroom. Sa sobrang excitement, nakalimutan kong itanong kay Menandro kung saan kami magkikita. 'Di bale, baka alam na ni Mommy.

It's almost 9am nang natapos akong maligo. Pagkatapos patuyuin ang may kahabaan kong buhok ay hinayaan kong nakalugay iyon. I brushed my bangs using my fingers and left some long strands on both sides of my face. Napili kong suotin 'yung dusty beige v-neck silk camisole top at high-waisted dark blue skinny jeans. I slipped on my cream pumps and my favorite watch hugged my left wrist. Naramdaman naman ng aking leeg ang malamig at manipis na chain ng gold minimalist necklace matapos kong ikabit iyon. I put some light makeup on, just to enhance my features. Then I sprayed my favorite scent onto my neck, wrists, and tips of my hair for the final step of my preparation.

Umupo ako sa front seat ng kulay-pulang Subaru Forester ni Mommy. Muntik pa akong mapatalon nang may kumalabit sa akin sa likuran at nakitang si Tita Maggie iyon.

"Tita! Sasama ka?!" ngumuso ako at ikinabit ang seatbelt. Bihis na bihis siya at aakalaing may party'ng pupuntahan.

Humalukipkip siya. "Why not? Ginusto ko naman maging third wheel," nakuha niya pang tumawa dahil sa pagiging miserable ko.

"Tita naman..." she chuckled and threw an invisible punch in the air. I pouted more.

Nagmamadaling pumasok si Mommy na kakatapos lang magpaalam kay Aling Nelma na maiiwan kasama ni Lola Esmeralda. Nilingon niya kami, tila alam ang dahilan ng pagkalugmok ko.

"She's just messing with you. Sasaglit kami sa Manila dahil ngayon dumating 'yung Japanese representative ng isang gym equipment manufacturers sa Japan. Hassle, but this deal is really important for our company," she explained.

Tumango naman ang biglang nag-seryoso na si Tita Maggie.

"And of course, pupunta kami para na rin makita ng tita mo 'yung boyfriend niya..." dagdag ni Mommy.

Kaya naman pala bihis na bihis at easy access ang sinuot na damit!

Tita Maggie covered her mouth. "A-Alam mo, Unnie?!"

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now