Chapter 49

920 34 3
                                    

Dedicated to: MLM08122005

Wish granted... That's what I thought when Maxine Schmidt a.k.a. Kirsten Buenaflor visited the Grand Rêve with her daughter after a few days.

Para kaming mga bata ni Dhebie na nakapila sa harap ng office ni Ate Symphony. Harmony texted me and said that we can now meet her cousin and her niece.

"Magugustuhan kaya niya 'to?" nag-aalalang tanong ni Dhebie.

Bumaba ang tingin ko sa yakap niyang basket na naglalaman ng mga paboritong pagkain ni Ate Kirsten. Sumaglit kami sa mall sa 2nd floor para lang bumili ng snacks at ilagay sa bonggang lalagyan.

"I think so? Sabi naman ng fans niya, hindi siya maarte. Inulam nga raw niya 'yung chicharon sa set na binigay ng naglalakong vendor."

Her eyes widened. "Huh? Inu-ulam ba 'yon?"

"Oo naman! Inulam na namin 'yon ni Men—ng kaibigan ko noon!" kinagat ko ang ibabang labi ko at nagkunwaring may tinitingnan sa cellphone.

"Hmm, where can we buy chicharon? Is someone selling that outside?" tumulis ang nguso niya at naghanap ng pwedeng mapagtanungan.

I glanced at her. "Meron sa sidewalk. Let's check it out later."

Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon. Smiling widely at us, Harmony let us in. Nanginig ako hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa magandang babaeng bumungad sa amin.

"Hi! You two must be Harmony's friends!" Kirsten Buenaflor, in the flesh, gave us a warm hug.

"W-We are! Nice to meet you!" ako ang unang nahimasmasan.

Dhebie cleared her throat. "It's so nice to meet you! Grabe! You're so pretty!"

So true! Although, she has a resemblance to Harmony and Symphony, her beauty is really one of a kind. She's tall and has a great body given that she's already a mother. Her long, wavy hair cascaded on her waist. Her tanned skin is so flawless that a silk cloth would slide down on it effortlessly. The shape of her nose suits her face and her natural plump lips will put the fake ones to shame. But aside from being physically perfect, her hooded eyes is her greatest asset for me. They're blue—like the breathtaking view of the ocean. They're so beautiful and haunting at the same time.

I almost thought that she's illegal! How could she be so beautiful?!

Pagkatapos magpa-picture at humingi ng autograph, umalis din agad si Ate Kirsten. Sinamahan siya ni Ate Symphony sa training area ng mga nangangarap maging aktor. Inimbitahan pala siya ng Grand Rêve para magbigay ng tips at makapag-share na rin ng sariling experience sa mundo ng showbiz.

"I'm craving for Korean food," sabi ko kina Harmony at Dhebie.

Naiwan kami sa office ni Ate Symphony para bantayan saglit si Isla. Patapos naman na ang training ng boys kaya maya-maya ay kakain na kami.

"Then we'll eat at the Korean restaurant," ani Harmony.

Abala siya sa pagti-text kaya nakatakas mula sa kanyang "mahigpit" na pagbabantay si Isla. Ngumisi ako at hinuli 'yung bata. Kanina ay nangingilala siya, marahil ay nagtataka kung bakit may mga patatas na nakatingin sa kanya. Pero ngayon ay ngumingiti at nakikipag-laro na.

Pinagmasdang maigi ni Dhebie si Isla. "Ang ganda ng batang 'yan 'pag lumaki siya. Ang ganda ba naman ng nanay at ang gwapo ng tatay, eh."

Kinalong ko si Isla at pinahawak sa kanya 'yung cellphone ko. "Oo nga. Pero sabi ni Harmony, mas kamukha ni Isla 'yung daddy niya. Sa tingin ko rin naman kasi nakita ko na sa personal si Ate Kirsten."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now