Chapter 51

998 35 2
                                    

"Welcome home, Tita Maggie!"

I pushed the door widely. 'Tulad niya, ngayon pa lang din ako makakatapak sa two-bedroom condo unit na binili niya sa BGC.

"Hay! Finally! I have my own property! No more rentals! Sa 'kin na 'to, ah? Hindi ka na maglalayas?" anang tiyahin ko sabay sulyap kay Menandro na nasa likuran ko.

Ngumisi si Menandro at hinapit ang baywang ko. "Hindi po ako iiwan ng asawa ko, Tita. Kaya sayong-sayo na ang unit na 'to."

We both smiled at each other. Sa peripheral vision ko, kitang-kita ko ang pagtulis ng nguso ni Tita Maggie. Tumikhim naman ng malakas si Billie na naaantala ang pagpasok sa unit dahil nakaharang kami ni Menandro sa pintuan.

"Hay naku! Nagsusungit ka na naman! Dapat sinamahan mo si Mommy sa baba, eh," sabi ko sa kapatid kong parang araw-araw nakakaramdam ng period cramps.

Nilapag ko 'yung bag ko sa couch at pagkalapag ni Menandro kay Cotton sa sahig ay sabay nilang kinalkal ang laman niyon para hanapin 'yung hard drive. Movie 'agad ang aautipagin ng dalawa...

Tumunog 'yung doorbell at patakbong pumunta roon si Tita Maggie. Tinulungan niya si Mommy sa pagbitbit ng mga rekadong gagamitin sa pagluluto ng Sweet & Sour Pork at Black Bean Noodles.

"Mommy, pwede tumu—"

"'Wag na!!!" sabay pa talaga sila ni Tita Maggie.

Hawak ang dibdib at nakaawang ang bibig, tiningnan ko sila ng masama. "Woah! Woah! Fine! Para namang susunugin ko 'yung kusina!"

"Prevention lang, dear. Baka mabinyagan 'yung unit," Tita Maggie said while smirking at me.

Natatawa namang naglakad papunta sa kitchen si Mommy. Tita Maggie flipped her hair and gave me a flying kiss before she jogged towards the hallway. Pumamewang ako at padabog na humarap sa living room para maghanap ng kakampi. Kaya lang, naabutan kong nagtatawanan sina Billie at Menandro. 'Agad silang tumigil nang mapansin na nakatingin ako.

Umirap ako. "Mabilaukan sana kayo mamaya..."

The blank expression on my husband's face was telling me that he was just trying to control his laughter. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila para mapaupo sa gitna nila ng kapatid ko. Pagkatapos ay masuyo niyang hinalikan ang kaliwang pisngi ko, umaasa na mawawala ang inis ko.

Hinampas ko 'yung tiyan niya gamit ang likod ng kamay ko. "Kainis 'to!"

"Sorry na. Hindi na..." he hugged my waist and showered me with soft kisses.

I gave up and finally showed him my smile. Pinisil-pisil niya ang mga pisngi ko dahil nakahiligan niya na iyon. Tila nagseselos, sumampa sa mga hita ko si Cotton at tinahulan ako.

"Come here, poor thing..." Binuhat siya ni Menandro at nilambing. "Love ka rin ni Daddy!"

Humalukipkip ako, nanliliit ang mga mata sa asawa. "Mas love mo 'ko, 'di ba?"

"What the heck, Ate?! Aso lang 'yan! Ba't kailangan mong pagselosan?" sabat ng kapatid ko.

Namilog ang mga mata ko. "Ano?! Hoy, Bitter Owen De los Rios! Para na naming anak si Cotton, 'no? Manahimik kana nga lang dyan!"

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz