Chapter 48

888 37 0
                                    

Nasa solo guitar part na ng kantang Nobela nang hatakin ko si Menandro papunta sa bandang harapan. I raised my arms and swayed them in the air. Tumawa si Menandro at nakigaya na rin sa trip ko bago namin sabayan sa pagbirit si Agassi.

"Go, Aga! Mas mataas ang nota, mas lalong bubuhos ang pera!" sigaw ni Rya sa 'di kalayuan. Pinag-trip-an kasi ng ibang bisita sina Aga at nagpamudmod ng sangkatutak na pera sa stage.

"At aalis—" Nanlaki ang mga mata ni Agassi nang maglagay si Cris ng tag-iisang libo sa paanan niya. "Puta! Legit?!"

"No! I just put it there as I was too lazy to hold it," Cris replied sarcastically.

We all laughed 'coz Agassi completely forgot to sing! The band was so shocked! Ni hindi na sila sabay-sabay tumugtog. Kung hindi pa tinapik ng bassist si Agassi sa pang-upo nito ay hindi ito magpapatuloy sa pagkanta.

"Tabi! Tabi!"

I thought no one could top that, but Andrea divided the crowd and confidently walked at the center while holding a pot of coins.

Napuno ng tawanan at hiyawan ang resto-bar nang bahagyang tumalungko si Agassi at mabilis na sinalop ang mga barya para ilagay sa kanyang mga bulsa habang kumakanta.

"Gago, Andrea! Sa'n mo nakuha 'yan?" halos iisa lang ang tanong nina Roxanne, Charline, at Bethany. Makikitang kinakapkapan nila ang mga sarili nila para malaman kung nawawalan sila ng pera.

Binalingan sila ng nasa kanan kong si Andrea. "Don't worry, girls! Bunga 'yan ng paggiling ko sa disco!"

Napahagalpak ako ng tawa sabay siko sa kanya. "Sira ulo ka talaga! Dinekwat mo pa 'yung palayok ng restaurant!"

She winked at me and smirked as she glanced at Agassi. "Boy, you're mine tonight!"

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa pwesto nila. Inakbayan ako ni Menandro at sabay naming tiningala ang namumulang si Agassi. He finished the song professionally, but I could tell that he was really affected with Andrea's final words.

Niyakap ko ang baywang ni Menandro nang tumungtong sa stage ang panibagong performer. Mommy, Billie, Lola Esmeralda, Ate Elise, and Don Pablo lined up beside me. No one expected that my dad would agree to dedicate a song for my mom. He asked us to not take a picture or a video of him singing on the stage.

"This is just for everyone who came here tonight. So please, don't film this one." Tinuro ni Daddy si Mommy dahilan kung bakit kami napahiyaw. "I dedicate this song to my lovely and supportive wife, Harlene..."

Mom blushed and held my right hand tightly as if she couldn't handle it anymore.

Tumawa ako at diniin ang katawan ko sa braso niya. "Mom, it's okay! Kinikilig ako sa ka-cheesy-han ni Dad! Sana ikaw din!"

"I am! That's why I couldn't look at him..." she slowly lifted her head just as the song was about to start.

Tinanguan ni Agassi si Daddy bago kalabitin ang mga string ng acoustic guitar kasabay ng pagsisimula ng drummer, keyboardist, at bassist sa intro ng kanta. Lumapit naman si Daddy sa mic stand at itinutok ang mga mata kay Mommy.

We all cheered him up. Malaki ang ngisi ko habang pumapalakpak, ngunit naglaho iyon ng parang bula nang mapatingin sa gawi ni Ate Elise. Halatang hindi siya masaya sa pakulo ni Daddy. Siya lang ang kaisa-isang may pang-Biyernes Santo na mukha. She didn't notice that I was watching her, so I caught the look of hate she just threw at my mother.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now