Chapter 10

1.2K 37 4
                                    

Note: This chapter is dedicated to Gail Constancia. I also want to thank her for giving me insights into Colegio de San Juan de Letran Calamba. If not for her help, I wouldn't be able to write the school scenes. ♥️

To familiarize yourself in Letran, you can watch her vlog 'Campus Tour!(LETRAN CALAMBA)'.

This is the link for her Youtube Channel:

https://www.youtube.com/channel/UCn720_N8tU8XQzpN_hHgjuA

——————

Warning: SPG

Read at your own risk :)

"Aga, kopyahin mo sa notebook 'yung homework natin. Ako na gagawa nung sa 'yo," binigay ko kay Aga 'yung notebook at ballpen. Wala siyang choice kahit kating-kati na siyang maki-tsismis.

Nilabas ko na si Menandro dahil para siyang artista kung ituring ng mga kaklase ko. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang pagkislap ng suot niyang gold cross necklace. Nakapamulsa siya habang prenteng nakasandal sa balcony. He unbuttoned the first three buttons of his polo, revealing the white t-shirt he was wearing underneath. He had a haircut and it looked so much different from the first time we met. It's a cropped undercut with fringe; he brushed the longer strands forward instead of leaving it on top.

Ang gwapong barumbado naman nito...

"Ba't ka napadpad dito?" tanong ko at pinasunod siya sa akin malapit sa hagdan dahil pinagpi-piyestahan na kaming dalawa.

He crossed his arms and leaned back in the railings. Ako naman ay sumandal sa pader na katapat niya.

"Pumunta ka sa Sesha mamayang dismissal," pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at nagtagal iyon sa hoodie.

I pursed my lips. "Saan naman 'yon? Simula nang nag-aral ako dito, iilan pa lang ang nalilibot ko."

"It's just around the campus." Pumalatak siya. "Sige na. Bumalik ka na sa classroom niyo."

Napatayo ako ng tuwid. "Teka! Iyon lang ang sasabihin mo?"

"Oo." Humakbang siya pababa at nilingon ako. May binunot siya sa bulsa niya kaya lumapit ako. "O, ayan. Kawawa ka naman. Palaging low batt ang cellphone mo. Baka pwede mo namang dalasan ang pag-c'charge."

Tinanggap ko 'yung maliit na box ng original charger cord. Binuksan ko iyon dahil baka pina-prank lang ako nitong si Menandro. Mahilig pa namang manggago 'to.

"Sana 'yung mumurahin na lang ang binili mo. Mawawala lang 'to," sabi ko nang nakumpirmang cord nga ang laman niyon.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Arte mo naman, teh. Ikaw na nga ang binigyan." Nagpatuloy siya sa pagbaba. "Itali mo sa leeg mo para 'di mawala."

"Thank you!" sigaw ko. Kumapit ako sa railings at pinanood siyang mawala sa paningin ko.

Ngumisi ako at tiningnan ang harap at likod ng box habang naglalakad pabalik sa classroom. Pagdating ko roon, para kaming nasa korte at ako ang nasasakdal. Lahat sila ay nakatingin sa akin, sa hoodie jacket na suot ko, at sa box na hawak ko.

Luminga-linga ako para hanapin si Agassi. Kaya pala hindi ko siya makita kasi pinapalibutan siya ng mga kaklase namin na malamang ay itinatanong kung bakit ako pinuntahan ni Menandro. No one dared to ask me tho. Takot na takot sila sa akin na para bang nanggaling ako sa ibang planeta.

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now