Chapter 9

1.2K 50 0
                                    

I followed Menandro like a lost puppy. Bago namin niligpasan ang living area at lumiko sa hallway sa kanan, napatingin ako sa glass wall at nakita sa labas sina Ate Elise at Mario. Halatang nasa gitna sila ng mainit na pagtatalo.

Nabunggo ko ang likod ni Menandro dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan. "Hey, don't look at them. It's awkward. Kitang-kita rin nila tayo dito."

Totoo nga dahil gumilid ang tingin ni Ate Elise sa direksyon namin habang nagsasalita siya. Pati si Mario ay nakatingin na rin sa amin kaya pansamantala nilang itinigil ang kanilang pagtatalo.

"T-Tara na!" bigla kong itinulak si Menandro papasok sa hallway kaya muntik na siyang sumubsob.

I parted my lips and paused, standing in awe. The white shelvings on each side of the walls captured my attention. Kung hindi mga kuwadro ng mga litrato ni Menandro noong tumanggap siya ng parangal, mga trophy, mga medal, at mga certificate ang makikita doon.

Menandro Raphiel V. Silverio... Iyon ang kanyang buong pangalan.

"Wow!" I looked over the displays that my sight could reach. "Grabe ang atake! Sobrang galing mo naman sa Math!"

Wala man lang reaksyon si Menandro at panay lang ang sunod sa akin. Wala lang sa kanya na magaling siya sa Math, samantalang palagi akong nangangamote sa subject na iyon! At talagang dito pa niya naisipang i-display ang mga award niya, ah? Para bang gusto niyang sabihin sa mga dadaan dito na "Hoy, tingnan mo ang mga award ko. 'Yan, tama 'yan! Mainggit ka."

"Shit! Sana all!" inggit na inggit ako pero at the same time, sobrang proud sa mga achievement niya.

He put his arm on my shoulder and pushed me gently. "Tama na, Hailey. Pagkain ang intindihin mo, 'wag ang mga 'yan."

Ngumuso ako. Tinanggal niya ang braso niya pagdating namin sa dulo ng hallway. The streamlined dining room was revealed. It took advantage as the same gray-on-gray theme as the living room. Even though the furnitures are dark, it offers a view drenched in sunlight because the room has two large sections of gridded window glazings that can be completely opened up for an indoor/ outdoor lifestyle. It's centrally located between the living area and the kitchen.

Moving on to my least favorite part of the house, the white of the kitchen cabinets and the smooth white kitchen island made a dramatic silhouette against the textured accent wall. Just across the kitchen island, black and gray defined the four-seater round dining table for a small dining space, illuminated by an intricate hoops lamp.

"Upo ka muna. Anong gusto mong kainin?" said Menandro while his eyes were scanning the two-door refrigerator.

Umupo ako ng maayos para hindi magusot ang palda ko. "Salad na lang. I'm on diet."

He glanced at me and his eyebrow lifted. "Pumitas ka sa labas ng mga gulay kung gusto mong kumain ng salad. Hindi pa ako nakakapag-grocery; pang-adobong baboy lang ang meron ako dito."

Kumunot ang noo ko. "Pwede na 'yan. Hindi naman ako masyado sa kanin, eh. Papapakin ko na lang..."

Tumango si Menandro at inilabas na ang mga rekado. Inangat ko 'yung cookbook na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at binasa iyon.

"Kailangan mo ba ng tulong?" I asked, pretending that I understand the complicated recipe of my favorite pasta dish.

"Hindi na. Mas matatagalan lang ako 'pag tumulong ka pa," puno ng kahulugan niyang sinabi.

"Sobra ka naman! Eh, di 'wag." Pinilig ko ang ulo ko at tinigilan na ang cookbook. "Pahiramin mo na lang ako ng charger. Kailangan ko kasing mag-text kay Mommy. Sure ako na nagtataka na 'yon dahil hindi pa kami dumarating sa bahay."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now