Chapter 12

1K 49 3
                                    

We just had our late lunch. Kapwa bumabanat sa karaoke sina Kevin at Stefan. Gail and Cris went to the kitchen to prepare some snacks. Nasa labas si Mario para mag-ihaw ng mga pulutan. Taga-timpla naman ng alcoholic beverages si Ate Elise. And, Menandro was nowhere to be seen.

"Bigay niyo na 'yung mic kay Hailey. Mga wala kayong kwenta!" ani Ate Elise nang ilapag sa center table 'yung mga shot glass na may makukulay na alak.

Nilingon ako ni Stefan. "Kumakanta ka, Hailey?"

"Oo, choir member ako. Pero kayo na lang muna ang kumanta. Wala pa sa kondisyon ang boses ko," aabutin ko na sana 'yung isang shot glass nang tampalin ni Ate Elise 'yung kamay ko.

She glared at me. "Matapang ang mga 'yan. Ano sa tingin mo ang ipapaliwanag ko kina Daddy 'pag umuwi ka nang lasing sa bahay? At ano na lang ang sasabihin ni Lola? Mas lalong magagalit 'yon dahil hinayaan kong malasing ang paborito niyang apo."

I nodded. "Yeah, relax, Ate. Hindi nila alam na magkasama tayo, 'di ba?"

"'Wag kang KJ, Elise!" Kevin stood up and handed the shot glass to me. "Try it, Hailey. Kami ang bahala sa 'yo."

Tinanggap ko 'yung nanunusok na tingin ni Ate Elise bago inamoy 'yung shot glass. It contains a pink cocktail that smells like a fruit punch. Ngunit mas nangingibabaw pa rin ang amoy ng nakahalong alak. Vodka siguro iyon... Para makasiguro, nilagok ko ang inumin at pumikit ng mariin nang gumuhit iyon sa aking lalamunan.

Dinilaan ko ang mga labi ko at nginitian ang nakatunghay na sina Kevin at Stefan. I made a thumbs up. Umirap si Ate Elise at nag-martsa pabalik sa kitchen.

"Ang sarap!" tuwang-tuwa ako.

Pumalakpak ang dalawa at nakuha pang ipaliwanag kung ano ang mga alak na nasa coffee table. They sounded so professional; like salesmen persuading me to purchase their products.

"Ito naman..." Inamoy ni Kevin 'yung shot glass na kulay-tsokolate ang laman. "Hmmm, Mudslide 'to! Sobrang sarap nito lalo na 'pag maraming yelo!"

Inabot niya iyon sa akin at 'agad kong tinungga. Nilasahan ko 'yung alak at muling nag-thumbs up. Lasang mocha! Sobrang saya talaga ng mga kolokoy dahil nagustuhan ko.

"Fist time mo ba uminom?" tanong ni Stefan.

"Hindi, ah," I lied.

Ang totoo niyan ay na-i-inggit kami ni Zaike kina Maricar at Cless. Palibhasa ay nasa legal age na kaya parati silang laman ng mga bar sa BGC. Minsan naman ay makikita sila sa mga bar na nagkalat sa U-Belt. 'Di bale, konting kembot na lang at makakapunta na rin kami ni Zaike sa mga gimikan.

"Bottoms up!" itinaas ko 'yung shot glass ko at ibinangga iyon sa mga shot glass nina Stefan at Kevin.

Binilang ko sa utak ko kung nakaka-ilan na ako. Anim na siguro... 'Di ako sure.

"Ito ba lagi niyong iniinom?" tanong ko habang itinutupi 'yung long sleeves hanggang sa mga siko ko.

Umiling si Kevin. "Pang-warm up lang namin 'to, Hailey! JD 'yung titirahin namin mamaya."

Ngumisi ako. "Ah..."

Haha. Ano 'yung JD?

Maya-maya ay pumasok na si Kuya Mario dala ang unang batch ng inihaw na tilapia. Suminghot ako at sinundan ang amoy niyon hanggang sa ilapag niya 'yung plato sa center table.

"'Anong nangyari sa 'yo?" Sinipat niya ang mukha ko. "Nainom ka, Hailey?

"Blush on lang," tumawa ako at napaso nang kinurutan ko 'yung isda.

Napailing si Kuya Mario at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Mga gago! Ba't pinainom niyo? Yari kayo nito!" Inabutan niya ako ng tinidor. "O, Hailey. Gumamit ka nito."

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon