Chapter 6

1.2K 44 0
                                    

Hinagisan ako ni Menandro ng face towel bago niya pina-andar ang sasakyan. Pinunasan ko ang dapat punasan at walang kibong itinupi iyon. Ngayon ko pa naman isinuot ang uniporme ko na tinernohan ko ng itim na skater skirt. But due to my carelessness, I'm soaking wet and I don't like that feeling...

Without looking at Menandro, I combed my hair using my fingers and I noticed that he was glancing at me continuously.

"Paki-baba na lang ako sa tabi," sabi ko at nilingon siya sa wakas.

He nodded and the car slowed down. Bumaba ang tingin niya sa inaabot kong face towel, pero mukhang wala siyang balak kunin iyon.

"Thanks for the ride, then," kinalas ko ang seatbelt at umambang lalabas ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagtawag sa aking pangalan.

"What?" kunot-noo kong tanong.

His jaw clenched and he didn't answer my question. He removed his seatbelt and leaned forward to me. Literal na nanginig at hindi ako huminga ng ilang segundo sa mabilis niyang pagkilos. Our faces were a few inches apart and we could clearly hear each other's loud heartbeat. I caught him smirking at me before his gaze went back to the left side of my face. While his fingers were running through my hair gently, I could feel my body getting hot as I continued to stare at his neck. Patuloy ang paggalaw ng kanyang Adam's apple na para bang hirap na hirap siya sa ginagawa. And the next thing I knew, his ass was back to the driver's seat.

Natauhan ako at 'agad isiniksik ang aking sarili sa pinto. "W-What did you do?!"

His gaze sought me and the sides of his mouth turned up in a warm smile. My lips parted as my eyes are particularly attracted by that. Napa-iling ako at sinubukang balewalain ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bumuntong-hininga ako at tinapunan siya ng masamang tingin.

"May tuyong dahon na sumabit sa buhok mo..." inilahad niya ang kanyang kanang kamay at nakita ko doon ang tuyong dahon na kasing laki ng butil ng bigas.

Tinampal ko ang kamay niya. "You should've told me that! May mga kamay naman ako! Kaya ko namang tanggalin 'yan!

Dinilaan niya ang kanyang mga labi at ipinatong ang kamay sa manibela. Then a smirk drew on his face. Irritated at him, I rolled my eyes and lifted my eyebrow.

"You're nice enough for a dimwit, but who told you to touch me?! Did I give you my permission? Alam ba ni Ate Lizzy ang ginagawa mo, huh?"

Patuloy ang pagngisi, bahagya siyang yumuko at tinitigan ang mukha ko ng pailalim. Muli niyang inilapit ang kanyang sarili sa akin at hindi ko na nagawang umatras. He put his left hand on the dashboard and the right hand on the window to corner me.

"For someone who hates and looks down on me, you sure tremble a lot against my touch..." he whispered hoarsely.

Lumunok ako. Hindi ko maitatanggi ang nakakapagpabagabag na dulot niyon sa akin. His eyes are so expressive, yet his gaze was empty and meaningless. Hindi iyon nakakatakot gaya ng sa mga naglipanang kriminal sa paligid, ngunit sapat na iyon para kabahan ako ng husto.

He unlocked the door behind me. "Get out now. You're late."

Inilayo ko ang tingin at pumikit ng mariin. Pagkatapos ay itinulak ko ang pinto at patakbong pumasok sa simbahan. Bago tawirin ang pintuan ay nilingon ko ang pinanggalingan. Nakababa na ang bintana ni Menandro at ilang beses umiling na tila dismayado sa akin bago pinaharurot ang sasakyan.

"Hailey, basang-basa ka! Magpunas ka muna habang nagpapahinga tayo," pinahiram ako ni Ate Lizzy ng panyo pagkatapos paupuin ng pari ang mga tao.

'Agad kong ipinasok sa aking bag 'yung face towel ni Menandro. His name was embroidered on it and showing it to Ate Lizzy will only make things worse. And I know that Menandro won't tell her what happened...

Midnight Breeze (Chasing Dreams Series #3) | C O M P L E T E DWhere stories live. Discover now