Chapter 40

1K 46 8
                                    

CHAPTER 40

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nang matapos ako sa ritwal na ginawa ay gumaan ang pakiramdam ko. Last kong nakapag release ay iyong nabuo ang panganay namin kaya guminhawa talaga ang pakiramdam ko. Naipon kasi, ang dami eh. Oh my gosh!

Nakakadiri lang!

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakalagay ang mga pagkain sa bed ko. Inilibot ko ang paningin at agad nangunot ang noo dahil hindi ko makita si lesbi.

Nasaan na naman kaya iyon pumunta?

Umupo nalang ako at inumpisahang kainin ang hinapag niyang pagkain. Sa totoo lang pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ang naisip kong paraan para ilayo sa kapahamakan ang parents ko. Sila nalang kasi ang naiwan sa akin at kasama ko kaya hindi ko na kayang makita na nasasaktan sila tulad ng nangyari sa amin.

Inilapag ko ang lahat ng pagkain na natira sa lamesa at agad ring bumalik sa kama para mahiga. Sumasakit na kasi ang tagiliran ko.

"Wag kang gumalaw ng gumalaw"

"Ay kabute!"

Napahawak ako sa dibdib ng biglang nagsalita si lesbi sa likod. Pag lingon ko ay agad naman nagsalubong ang kilay dahil hindi lang siya mag-isa.

"What are you doing here?!" galit na sambit ko at napahawak sa tagiliran ng kumirot ito.

"Tss" sabi ni lesbi at agad akong inalalayan pahiga sa kama.

Ayaw ko pa sana, gusto kong suntukin itong kasama niya. Gusto ko siyang suntukin dahil sa ginawa nila sa magulang ko.

"Bakit mo iyan kasama dito?" malamig na tanong ko kay lesbi na ikinatigil niya.

Hindi ko iyon pinansin at agad na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Kahit ayaw kong gawin, ito siguro ang magandang paraan para iiwas ang magulang ko sa gulo na kasama si lesbi.

"Bawal ba?" balik na tanong niya kaya galit ko siyang tinignan.

"Hindi bawal, siya kasi ang dahilan kung bakit  nasaktan ang magulang ko, hindi talaga bawal" sarkastikong sabi ko sa kanya at matalim na tinignan ang kasama niya.

"I'm here to say sorry, hindi ako manggugulo" sabi ng kasama niya kaya mapakla akong natawa.

"Hahaha ha! Saying sorry mababalik mo ang mga luha ng magulang ko?! At talagang nakipag kaibigan kana sa anak ko!"

"That's not what I mean"

"But that's your point here! Get out! I don't want to see your face ever!" galit na sigaw ko at tinuro ang pinto.

"Renzo hindi pa siguro ito ang tamang panahon para makausap mo siya" sabi naman ni lesbi.

Tumingin sa akin ang lalaking iyon at tumango.

"I'm sorry again, Max alis na ako" sabi niya at akmang hahalik sa pisngi ni lesbi nang sumigaw ako.

"I said get out!" sigaw ko kaya hindi na niya tinuloy.

Ngumiti lang ito at agad na naglakad palabas nang kwarto. Ng makalabas ito ay galit akong tumingin kay lesbi na ngayon ay nakakunot ang noong bumaling sa sakin.

"Ano bang problema mo bayot?" kunot-noong tanong niya at akmang lalapit sa akin.

"Wag kang lumapit!" galit na sabi ko na ikinatigil din niya "Ikaw ang problema ko lesbi! Wala pang isang araw dinala mo na yung lalaki na yan dito! At akala mo matutuwa ako sa sorry niya?!"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now