Chapter 35

1.1K 44 8
                                    

CHAPTER 35

THE GAY'S BILLIONAIRE

"Max totoo? talagang hinalikan ka niya?"

"Grabe talaga! I can't believe this!"

"Oo nga, me is not believe!"

"Boplaaks pa rin!"

"So that gay is already guy na Max? O to the M and to the G!!"

Nandito ako ngayon sa coffee shop kung saan ako nag tatrabaho at kanina pa ako ginugulo ng tatlong ito. Simula kasi na nag kwento si Ann sa kanila tungkol sa nangyari. Ganyan na sila. Ang oo'a ng mga reaksyon nila sa totoo lang.

"Kung ano ang sinabi ni Ann, edi yon" bagot na sagot ko sa kanila at tinuloy ang paglilinis ng mga lamesa.

Maaga kami ngayon nagbukas at darating daw yung investor ng mga foods and tools ng shop na to.

"Mabuti at buhay pa" natatawang sabi ni Keith at pumasok sa kusina para asikasuhin ang mga pagkain.

"True ka jan! Bakit walang bali sa buto at buhay pa iyon Max? Hahaha last time I checked hinawakan ka lang ng classmate nating lalaki dati nung highschool, aba'y muntikan ng makita si kamatayan hahaha" pag dadaldal ni Ann habang nagpupunas.

"Grabe ka sa makita si kamatayan girl! na comatose lang iyowng si Mr. Bonagua!" sabat naman ni Mike at seryoso talaga siya sa sinabi niya.

"Iyon na nga! Timang talaga to kausap amp!" sagot naman ni Ann at tinapon sa mukha ni Mike ang basahang hawak niya.

"Aruuyy! Ang bully mo na sa akin ah!" bumusangot siya at maya maya pa ay nakasalubong ang kilay na inihinto ang pagpupunas ng sahig "Ganown ba iyown? Paano itech girl? Nakita niya talaga si kamatayan?! Nag hi'hello sila?!" nanlalaki ang matang tanong niya.

Nakita kong napasapo si Ann sa noo at tumingin sa akin.

"Max pigilan mo ko. Pigilan moko!" nagtitimpi na saad naman ni Ann at nakaturo sa sarili.

Natatawang umiling ako dahil sa ginagawang walang ka kwenta-kwenta.

"Sige lang" natatawang sagot ko sa kanya at inihinto ang ginagawa para panoorin ang drama ng dalawa.

"Oh ikaw!" turo niya kay Mike "Halika ka dito" dagdag niya at sumenyas pa sa kamay para lumapit.

Ito namang isa ay nakangiting naglakad papunta kay Ann. Natatawa nalang ako dahil sa kabobohan ng isang to. Kaya kinakawawa ng dalawa.

"Ano yern?!"

"Halika at pupunta tayo sa cr, nang mailublob kita sa kubeta!"

Napahinto naman si Mike sa paglalakad at gulat na nakatingin ngayon kay Ann.

"Luh? Bakit mo gagawin iyern girl?!" nakahawak sa dibdib na saad niya

"Diba gusto mo malaman kung nag-usap ba  si Bonagua at si kamatayan?" kunwaring tanong ni Ann na tumango naman ang isa. "Pwes ikaw na ang susunod na kakausap sa kanyang animal ka!" sinugod bigla ni Ann si Mike na hindi niya ikinatalima.

"Ouccch! Kaka cello palang ng hair ko gurl! Wag moko sabunutan gaga! Selos na selos?! Porket makakausap ko lang si kamatayan! Araaay! Bitawan mo nga ako!"

Biglang sinabunutan ni Ann si Mike kaya ang isa todo alis naman ng kamay ng kaaway niya sa buhok. Natatawang pinapanood ko lang sila. Ang dalawa talagang ito.

"Kingina! Bobo mo talaga!"

"Araaay! Ahuhuhu ang shakit!!"

Kinaladkad ni Ann si Mike papuntang cr kaya natatawang ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now