Chapter 43

1K 36 4
                                    

CHAPTER 43

THE GAY'S BILLIONAIRE

Pagkadaong ng yate ng mga Novicio ay agad kaming bumaba bitbit ang mga bagahe.

Namangha ako sa isla kung saan kami ngayon nakatayo. Napatingin ako sa buhangin, kulay puti ito na may makintab sa buhangin. Tumingin ako sa paligid. Napapaligiran ng mga pine tree ang isla, at maraming cottages akong nakikita. Sa mga harap nito ay may tig-tatatlong sunbathing chair with colorful umbrellas.

Napangiti ako ng dumako ang tingin sa mga taong nagkakasiyahan dahil sa mga nakakaindak na musika. Sakto ang lugar na to sa mga stress at may problema sa buhay.

Mabuti at may isla silang ganito dito. Nakakamangha lahat ng nandito. Nagsasayawan at nag kakasiyahan. Tamang-tama sa mga pamilya, mga magkakaibigan,mag-asawa at mag karelasyon.

"Tataaaaang!" napadako ang mata ko sa dalawang babae na tingin ko ay kasing edad lang namin.

"Carol, Herra! Wag nga kayo tumakbo, mga batang ito oh!" saway sa kanila ni Mang Tisoy.

Natutuwa din ako sa kanya dahil kanina habang sa byahe ay kinausap niya kami at nagpatawa. Tuwang-tuwa ako sa kanya kasi kahit matanda na ito ay bagets na bagets naman kung kumilos at magsalita.

"Good morning po sa inyo lahat!" bati nung kulay brown ang buhok.

"Good morning" bati naman ng kulay itim na buhok.

"Magandang umaga naman sa inyong dalawa. Kumusta naman ang dalawang magandang dilag?" nakangiting saad ni Tito.

"Hehehe okay na okay po! Hello kuya Angelo , kuya Tristan! and ate Max! at sayo ate! pati sa inyong dalawa kuya!!" hyper na saad nung kulay brown ang buhok.

I bet makulit ang isang ito. Napaka ingay eh hahaha.

"Ano kaba naman Carol! Umayos ka nga" saway sa kanya ni Mang Tisoy. "Ito pala ang mga anak ko" sabay hawak sa dalawang babae "Ito pala si Herra panganay ko at ito naman si Carol ang bunso ko. Isang taon lang ang agwat nila" pagpapakilala niya sa amin tungkol sa mga anak niya.

Kumaway naman ang lahat sa dalawa. Napatingin ako sa dalawang bakla na ngayon ay naka busangot ang mukha. Hahahaha alam ko na kung bakit.

"Hala ate! Si Lohr oh!"

Napabaling agad ako paharap ng marinig iyon. Nanlalaking mata na itinuturo ako ni Carol sa ate niya na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanila. Ito siguro ang sinasabi ni Mang Tisoy na idol ako ng mga anak niya. Hahahaha ang gan-gwapo ko talaga! Naku.naku.naku.naku.

"Demon hijo, idol ka namin dito lalo na ang mga anak kong iyan." tumango ako kay Mang Tisoy.

Gulat akong napatingin sa dalawa ng mabilis na kinaladkad ni Carol ang ate niyang si Herra papunta sa harap ko.

"Hi! I'm Carol!" tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad.

"Nice to meet you Carol" nakangiting sabi ko.

"Hehehehe ay! Ito pala yung ate ko!" hinawakan niya ang ate niya sa kabilaang balikat at tinulak sa harap ko.

Muntikan na siyang masubsob mabuti nalang at nahawakan ko agad siya sa braso. Inalalayan ko itong tumayo ng maayos.

"A-ah T-thank you" nakayukong saad niya.

"Ano ka ba naman Carol! Muntikan ng madapa ang ate mo"

"Tataaang okay lang yun! Tinulungan naman ni Sir Lohr eh! Ahihihi"

"Are you okay?" tanong ko at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now