Chapter 7

2K 82 7
                                    

CHAPTER 7

THE GAY'S BILLIONAIRE

Kahit gustong-gusto kong sumagot sa kanya ay hindi ko magawa. Hindi sa takot ako, kundi sa respeto na natitira ko para sa kanya.

"Ano Tristan?! kukunsintihin mo na naman yan?! Aba! Nakikita mo naman kung ano ang ginawa niyan!" dinuro pa ako at matalim na tumingin sa akin.

Paano pa kaya kapag nalaman niyang may anak ako? Lalo niya akong kamumuhian.

"Dad can you please calmed down? we're not here for arguing this thing" kalmadong sabi naman ni Tristan, palihim siyang tumingin sa'kin at bahagyang ngumiti.

Nakita ko namang kinalma ni Dad ang sarili niya at umupo ulit sa sofa. Naglakad ako papuntang kusina at kumuha ng maiinom nila. Nang makabalik ako ay agad kong nilapag ang inumin sa lamesa at umupo ng maayos. Maaliwalas na ng kaunti ang mukha niya.

"I'm sorry" pag-uumpisa ko ng sasabihin. Gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat. "Sorry for worrying all of you. Hindi ko naman ginusto ang ginawa ko pero kailangan. Dad" this time tumingin na ako sa kanya. Gusto kong maisip niyang seryoso talaga ako "Vandross just run away at our wedding ano ang aasahan mong gagawin ko? Tutunganga nalang.."

"Your manners Maxine Zin" mariing sabi niya kaya napatikhim ako.

Manners. Tss

"Noong umagang yon kung saan hindi niyo na ho ako nakita ay may nagawa akong kasalanan sa inyo at sa taong mahal ko. Ayaw ko ng umuwi dahil alam ko, alam kong kamumuhian niyo na naman ho ako. Kaya kahit mahirap na iwan kayong lahat ay ginawa ko para sa importanteng taong dumating sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano niyo ho ako matatanggap kapag nalaman niyo na... na ano... ahm..." nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko o hindi.

Tumingin ako kay Tristan na tumango ng bahagya. Kaya napalunok ako. Peste! Pinagpapawisan na naman ang kamay ko.

"Na?" inip na tanong ni dad kaya napatingin ako sa kanya.

Nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Natatakot na tuloy akong ituloy. Peste talaga!

Magsasalita na sana ako ng bumaling pakaliwa ang ulo ni Dad at nakatingin na siya sa likuran ko na lalong pagkunot ng noo niya.

"Who's this boy Maxine Zin?" tanong ni daddy sa'kin na hindi pa rin inalis ang tingin sa anak ko.

Para naman akong natuod sa inuupuan ko. Hindi na ako mapakali sa kakahagilap kung anong sasabihin ko.

"Ah. D-dad. Ano" peste!

"I'm her son" gusto kong lumubog sa inuupuan ko ngayon ng magsalita si Matt.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng kaharap ko. Ilang minuto pa siya sa ganoon nang bumaling siya sa'kin na nagtatanong ang mga mata.

Tumikhim ako bago ngumiti ng alanganin.

"Dad meet my son Prince Matthew Lohr Novicio, son" tawag ko sa anak ko na lumapit naman ito at umupo sa tabi ko "That is your lolo Jaizin" pagpapakilala ko sa kanila.

Tinititigan niya ang anak ko ng matagal. Halos hindi na ako makahinga dahil sa paraan ng pagtitig niya kay Matt.

Bumaba lahat ang tingin namin sa kamay ng anak ko nang maglahad ito ng kamay.

"Nice to meet you lolo Jai" malapad ang ngiting bati niya.

Kinakabahan naman akong umangat ng tingin sa kaharap ko pero ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng pagkagulat.

The Gay's BillionaireWo Geschichten leben. Entdecke jetzt