Chapter 12

1.7K 76 3
                                    

CHAPTER 12

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Nagising ako dahil sa katok na aking naririnig. Tiningnan ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Hinalikan ko muna ito bago tumayo at naglakad papunta sa pinto para buksan ito.

Bumungad sakin ang mukha ni Ann na hindi ko mawari kung nagpipigil ng tawag ng kalikasan. Ngunot-noo ko siyang tinignan.

"Morning" bati ko sa kanya pero bumuka lang ang labi niya na parang may gustong sabihin.

"Ano yun Ann?" tanong ko sa kanya at naglakad na papuntang kusina.

"Eh kasi ano eh... may sasabihin sana ako" nagdadalawang-isip pang sabi nito.

"Sige" kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

Nakita ko pang lumunok ito bago magsalita.

"Max kasi ano eh...uh...nakauwi na si Vandross, tumawag sa—Ay! kadiri ka Max! Ewww!"

Naibuga ko ang iniinom kong tubig sa kanya dahil sa sinabi nito.

"A–ano?" hindi ko alam pero bigla akong nautal.

Dahil ba nandito na siya? Ipinilig ko ang aking ulo at inisip ang mga kasalanan ng lalaking iyon.

"Tumawag kasi sa'kin si Tita Marie na pumunta daw tayo doon ngayon. Kakauwi lang niya kanina" sabi niya na parang wala lang sa kanya "Pupunta kaba?" dagdag niya.

Hindi ako kumibo at naglakad na lang pabalik ng room ko. Nakasunod naman ito sa'kin.

"Ano Max? Pupunta ka? Pupunta kasi ako, alam mo naman si Tita Marie" umupo siya sa kama at ako naman ay kumuha ng damit sa drawer.

"May trabaho ako" malamig na sabi ko rito na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Ilang minuto pa siyang natahimik bago ulit nagsalita.

"Max, malay mo ngayon yung—"

"Ann please. I don't want to talk about him"
seryosong saad ko sa kanya

"Psh! If I know you want to see him eh!" tumayo na ito at ginising ang anak ko "Hoy bubwit! Gising na nga jan! Ihahatid kita sa tito mong hilaw! peste!" ng makita niyang nagising na ang anak ko ay lumabas na agad siya ng kwarto.

Pumasok na lang din ako ng banyo at binilisan ang pagligo. Kapag late ako nito sa trabaho malilintikan sa'kin yung babaeng iyon. Marami pa siyang kuda eh pupunta din naman.
Idadamay pa ako.

COFFEE SHOP

Nang makapagpalit ako sa locker ng uniform ay agad akong kumilos para maasikaso ang mga customer.

Monday ngayon kaya maraming dumarating na customer dahil office day ngayong araw. Ito yung coffee shop na una kong ipinatayo ng dalaga pa ako. Pero ngayon ay pinamanage ko na sa dalawang kaibigan ko. Kaya sinasabi ko nalang na sa kanila ito dahil malaki na ang naitulong nila sa paglago ng shop na ito.

At ang ginawa ko para maging maayos pa ang pagpapatakbo nito ay nagtatrabaho na rin ako dito. Not as owner but as worker who needs money for everyday life.

Noong una ayaw pa nila pumayag pero nag pumilit talaga ako dahil kailangan ko. Sabi nila bakit pa ako magtatrabaho eh ako daw may-ari. Sinabi ko na lang na mas gusto kong pinagpapaguran ang perang napupunta sakin.

Natatawa nalang ako kapag naalala yung araw na iyon. Hindi mo masabi na masaya sila o naweweirdohan sa akin. Dahil sa mga naiisip ko.

Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng isang worker na pinapatawag daw ako sa office ni Mike and Keith.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now