Chapter 3

2.4K 98 3
                                    

CHAPTER 3

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

7 years later....

Nakatanaw ako sa magandang tanawin na malapit sa inuupahan ko. Marami ang nangyari simula ng pagkakamaling ginawa ko sa buhay. Ang makipagtalik sa hindi ko mahal at lalong mali dahil sa kanya pa. Simula noon, natupad naman ang hiling ko na wag na kami magkita kahit kailan.

Napangiti ako ng mapait.

Malas nga ata ang nangyari sa akin noon, simula sa ikakasal sana at sa pagkakamali kong ginawa. Sunod-sunod na ang malas na nangyari sa buhay ko.

Hindi ko man ginusto yon pero wala akong magagawa dahil yun ang nangyari at tapos na. Sabi nga nila 'move on' para makaalis ka sa sakit na naramdaman mo noong araw na iyon.

So I did my best to move on.

Physically is not totally okay but emotionally it's indeed and never be okay.

Why?

Sa utak at emosyon ko kahit isawalang bahala ko nalang ang sakit. Dumarating talaga na isang araw lumuluha kana lang.

That's me exactly 7 years after that incident.

Maraming nagtataka at nagugulat kapag nakakasama at nakikita nila ako pero kibit-balikat at tango lang ang nakukuha nila sa akin, minsan ngingiti ng konti pero hanggang doon lang. Maliban nalang sa isang tao. Sa isang importanteng tao sa buhay ko.

Siya lang ang nagpapasaya at alam kong sobrang mahal na mahal ako nito. Siya yung taong kahit malungkot ka, makikita mo palang ang mukha niya. Mapapangiti at magiging masaya ka. Siya ang pinakamamahal kong tao at sobrang mahalaga sa buhay ko. At masasabi ko ang salitang 'I can't live without that person beside me' dahil lang sa kanya.

Bumalik ako sa realidad ng may nararamdaman akong humigit sa laylayan ng damit ko. Tumungo ako para makita kung sino ito at napangiti na lang nang malawak ng mapag sino ito.

Speaking of...

Umupo ako para magpantay kami dahil nahihirapan itong tumingala dahil sa sinag ng araw.

"Hello baby" bati ko sa kanya

Ngumiti ito ng malawak at sinunggaban ako ng mahigpit na yakap na sinuklian ko rin ng isang yakap at halik sa ulo.

"Imissyou" malambing na sabi nito na nagpalawak ng ngiti ko.

"How's your vacation baby?" tanong ko sa kanya at umayos ng tayo. Hinawakan ko ang isang kamay niya at iginaya paupo.

"Fine I guess? Tss, tita Joann is so talkative. I just can't be with her all day" masungit na sabi niya at umupo sa kandungan ko.

Magsasalita na sana ako nang may sumigaw sa likuran namin kaya napalingon ako dito.

"Hoy! bata ka! Iniwan mo talaga ako doon?! Pasalamat ka at mabait ako sayo kung hindi-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nakita niya kung gaano kasama ang tingin ko dito "Kung hindi naku! Mas lalo akong maging mabait sayo baby boy!" nakangiti na niyang sabi ng nasa tabi na namin.

"Oh ikaw? kamusta ka naman dito? Aba'y salamat at nakauwi na kami dahil hindi ko na kaya ang walang imikan na pagganap jan sa anak mo" pagdadaldal niya.

Napapailing nalang ako dahil sa ugali niyang hindi nagbabago kahit ilang taon pa ang lumipas.

"I'm okay" sabi ko at tipid na ngumiti.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now