Chapter 56

873 31 9
                                    

CHAPTER 56

THE GAY'S BILLIONAIRE

Makalipas ang tatlong taon…

Abala ang magkakaibigan sa loob ng mansyon ng mga Novicio, nakatanggap sila ng tawag galing sa kapatid ng kanilang kaibigan na ngayong araw ang pag-uwi nila galing ng Korea. Kaya naisip nilang mag handa kahit kaunting salo-salo lang. Ilang oras pa ang dumaan ng matapos sila sa lahat ng ginagawa.

"Did you call Renzo?" tanong ni Keith sa kaibigang si Ann habang nagpupunas ng pawis nito.

Umiling ang babae at naglakad papunta sa sofa at biglang humilata na akala mo ay madami talagang ginawa.

"Natapos rin sa wakas!" saad ni Ann at bumalikwas ng bangon. "Mike tawagan mo nga si Renz kung nandoon na ba sila Max" utos nito sa isang kaibigan na kakababa lang sa hagdan pagkatapos niyang ikabit ang tarpaulin na may nakasulat "Welcome Home Novicio Family!"

Naglakad si Mike papunta sa isang sulok ng mansyon at kinuha ang phone niyang inilapag pala niya kanina nang magsimula silang mag-ayos sa loob ng mansyon. Umupo naman si Keith sa single couch at huminga ng malalim. Ang mga mata nito ay niligid ang loob ng mansyon kung okay na ba ang lahat at walang kulang.

"Let's wrap up and be ready" napalingon silang dalawa sa kaibigan nilang si Mike ng magsalita ito "Renzo's text is 50 minutes ago, for sure their on the way here" dagdag niya

Nagkatinginan sila Ann at Keith, hindi parin nila kasi akalain na magiging matalino at magaling ang kaibigan nila lalo na sa english. Nag-aral lang ito ng isang taon at nagulat sila na agad ng kaibigan nila nakuha at napag-aralan iyon. Kung hindi lang nila kilala ng lubusan si Mike ay baka pagdududahan nilang nagpapanggap lang ito noon.

Pumunta na sila sa sari-sarili nilang kwarto para maglinis at mag-ayos ng sarili. Habang nag-aayos nang sarili si Ann ay napaisip siya kung ano na ba ang mukha ng kaibigan nila? Kung lalaki o babae ba ang pangalawang anak niya. Simula kasi nung umalis ang pamilyang Novicio ay hindi na nila nakausap man lang kahit isang beses ang kaibigan nila. Nagulat na nga lang sila na tawagan sila ng kapatid nitong si Tristan na ngayon ang uwi nila. Lalong naeexcite si Ann na makita ang kaibigan nilang si Maxine.

Ilang minuto pa ang ginugol nila at naghintay nang may humintong itim na van sa harap ng mansyon. Sinadya nilang naka-open ang pinto ng mansyon para makita nila agad ang pagdating nila. Agad silang napatayo na tatlo ng pumasok ang magulang ng kaibigan nila. Ngumiti sila dito at hinintay na makalapit sa pwesto nila.

"Welcome home tita and tito" sabay na saad ng tatlo sa mag-asawa.

"Thankyou sa inyo, kayo ba ang naghanda nito?" nakangiting tanong ni Mr. Novicio sa kanila.

"Opo, tumawag kasi sa amin si Tristan na ngayon ang uwi niyo" sagot ni Ann dito

"And we plan to celebrate even tayo tayo lang" dagdag ni Mike kaya natawa si Mrs. Novicio dito.

"Marunong kana magsalita ng english hijo, congrats sayo" nakangiting saad ni Mrs. Novicio dito.

"Tita, It's hija" maarteng pagtatama nito na ikinatawa nila.

"Brooo!"

Napalingon sila sa sumigaw na si Tristan, nakangiti itong yumakap kay Keith at kay Mike, hinalikan naman niya si Ann sa pisngi.

"Kumusta naman kayo dito? It's been 3 years!"

"We're good at all"

Gulat na napatingin si Tristan kay Mike.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now