Chapter 5

2.1K 85 4
                                    

CHAPTER 5

THE GAY'S BILLIONAIRE

Tatlong araw din ang lumipas ng mangyari ang insidente na naganap sa coffee shop. Pagkatapos ko kasing ikwento kay Ann ang nangyari ay agad niya akong pinauwi para makapagpahinga and at the same time ay makapag isip.

Sa totoo lang, nang malaman ko na isa siya sa mga Montenegro ay nanghina ako. Nanghina sa katotohanang baka malaman niya na may anak ako sa baklang iyon. Na nagbunga ang pagkakamali na ginawa ko sa kanya.

Alam kong kilalang kilala siyang tao sa buong mundo, and that's my reason why I hide myself also my son.

Ayokong makasira ng buhay in the first place.

He doesn't know me if I really exist here in the world but I know him. Kaya bakit pa ako magpapakita or magpakilala sa kanya? Walang magbabago.

Bakla pa rin naman siya.

Muntikan na akong mapairap ng sumagi sa isip ko yan. And yes. He's/She's gay until now. Hindi na siguro magbabago yon.

Walang araw na hindi ako nakakarinig ng mga issues about him like.

"Demon Lohr Montenegro is currently dating with the hottest model"

"Ian Vergara and Young Billionaire Demon Lohr Montenegro is now official"

And so on...

Ang landi ng baklang yon sa totoo lang. Kaya hindi na ako nagtataka ngayon na napapanood ko siya sa tv at may video na nakikipaghalikan sa kapwa niya lalaki ang ipinakita.

Tumiim-bagang ako dahil sa inis. Nakakainis siya! Na wala siyang pakialam sa mga issue'ng ganyan eh nakakasira naman ng reputation niya.

Pinatay ko nalang ang tv at hinagis sa kaharap kong sofa ang remote.

"Oh?" napatingin ako kay Ann na kakalabas lang ng kusina at nakaturo sa remote na binato ko kanina "Aba'y wag mo naman idamay ang walang kamalay-malay jaan Max!" sigaw niya habang papunta sa pwesto ko "Porket narinig mo nanaman si Fafa Demon ko eh mainit agad ulo mo!" nag iinarteng dagdag pa niya.

Pinagcross ko ang mga braso at tumingin sa kanya.

"He's gay" bagot na sagot ko

"Anak ka ng kagang! Alam ko Max! Alam ng mundo yan!" at umirap pa bago sumubo ng dala-dala niyang pagkain.

"Tss"

"Nga pala nasaan si Matt? Hindi ba siya papasok? anong oras na oh?" at tumingin sa orasan dito sa bahay "Ay! hindi na pala yan gumagana kingina hahahaha" tawang tawa na sabi niya

"Hindi na siya makakapasok this year" sabi ko na ikinatigil niya

"Ha?! Eh bakit daw?"

"May sinuntok sa school"

Hindi ko alam kung saan niya natutunan yang pakikipag-away.

"Oh talaga? mabuti hindi niya sinabunutan no? naku pag ginawa niya yun! Alam na kung saan talaga nagmana hahaha" sabi niya at humagalpak ng tawa.

Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso at hindi nagsasalita.

"Kidding aside!" bawi niya

Umiling nalang ako.

Binuksan naman niya ang tv at nanood. Nainis na naman ako dahil sa mukhang naka flash sa screen.

"Ang gwapo talaga niya!"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now