Chapter 2

2.6K 94 2
                                    

CHAPTER 2

THE GAY'S BILLIONAIRE

DEMON LOHR MONTENEGRO

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa alarm clock ko. Kinuha ko sa side table iyon at agad na pinatay. Umuunat-unat pa ako pero napatigil dahil sa alaalang nangyari.

Kahit kinakabahan ay dahan-dahan kong itinaas ang comforter na bumabalot sa katawan ko at sinilip ang loob kung tama ba ang nasa isip ko pero...

"Waaaaaah!" napabalikwas ako ng bangon.

Tama nga!

May nangyari samin! Oh my gosh! Yung puri ko! Yung puri kong pinaka ingat-ingatan ko nawala dahil sa babaeng yun!

"Huhuhu, ang puri ko mga bakla! nawala na!" hysterical na pagwawala ko.

Pumunta ako sa banyo kung nandoon ang babaeng yun dahil wala ito sa kama ko. Pero wala siya. Dali-dali akong nag bihis ng mga clothes ko para hanapin ang sumira at nagnakaw ng puri ko!

Muntik pa akong madulas sa hagdaan dahil sa pagmamadali ko.

Lintik! Kapag nakita at nahuli ko lang ang babaeng iyon. Magkaka sabunutan na! Waaah! my virginia is already lost na!!

"Manang!" tawag ko sa mayorduma ng palace ko.

Of course, I am Demon Lohr Montenegro. A gay young billionaire around the world! My god! Alam nang lahat ang pagkatao ko then this happened?! Oh my gosh! Nandidiri ako sa sarili ko! Nakakaloka!

"Oh hijo? Keaga-aga sumisigaw ka jan. Ano ba ang gusto ng alaga ko?" nakangiting sabi ni manang.

Bata palang siya na nag-alaga sakin.

"Eh kasi manang! Huhuhu! nakita mo ba yung babaeng magnanakaw ng puri? My gosh! ang puri ko!" umiiyak na pagwawala ko kay manang with matching matching padyak pa ako.

Eh kasi naman eh! Hindi ko matatanggap to! Tinakasan pa ako!

"Ha? paanong ninakaw naman hijo?" nagtatakang tanong niya.

"Manang sasabihin ko paba yun sayo? Syempre you know that in the first place!" sabi ko at nanlulumong napaupo sa sofa.

Nakaka stress!

Paano na ako niyan? ang puri ko! kailangan niya ako panagutan! haller! ninakaw niya kaya!

Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ko na narinig si manang mag react kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Hindi ko alam kung naguguluhan or nagulat yung mukha niya. Napangiwi ako ng sumigaw ito at nakangiti?

Nakangiti?!

"Hijo! sino yang babaeng yan at nang mapasalamatan!" masayang sabi niya na umupo pa sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Kahit naguguluhan eh sumagot din naman ako.

"Hindi ko alam, I just woke up like this then she's gone already" magulong sagot ko "Eh manang bakit kaba masaya jan eh ninakaw nga niya ang puri ko! ng alaga mo oh!" mangiyak ngiyak na naman na sabi ko.

"Aba syempre masaya ako dahil sa wakas! Sa wakas hindi kana dalaga! binata kana Demon!" masaya talaga siya.

"Ewww! manang dalaga ako okay? mandiri ka nga!" naiinis na sagot ko sa kanya with irap pa.

Bwisit ka talagang babae ka! mahanap lang kita makikita mo! Ipapakulong na talaga kita!

Napatingin ako kay manang nang marahan niyang pisilin ang kamay kong hawak niya. Hindi na katulad ng kanina ang mukha nito.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon