Chapter 44

1.1K 44 19
                                    

CHAPTER 44

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Nakaupo lang ako ngayon sa couch kaharap ng kama kung saan tulog na tulog ang bayot. Inaalala ko ang nangyari at nakita ko kanina. Gusto ko siyang suntukin habang tulog. Ngumiti pa talaga kanina ah. Gustong-gusto pa, pero nag sorry sa'kin. Bawas angas to pero hindi ko mapigilan ang magalit sa kanya.

Pag dating sa ibang tao lumalabas ang kalandian niya. At talaga namang siya pa ang may ayaw na makasama ako dito sa letcheng kwarto na to. At sino ang gusto? Yung Herra na iyon? Ha! Bwisit! At oo tama kayo nang iniisip, hindi ko lang mapigilang magselos at mas nakakawala ng angas to! Nalintikan na!

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad ito. Isang mensahe galing kay mommy na pinapababa na kami para sa tanghalian.

Tumayo ako at ibinulsa ang phone. Naglakad ako sa tabi ng kama kung saan siya banda nakahiga. Tinapik-tapik siya sa braso para magising pero ang kingina! Hinawi lang ang kamay ko.

Dahil sa inis ay malakas ko siyang tinadyakan na ikinahulog niya sa sahig.

"Arrrouuchh!" nakahawak sa balakang na saad niya.

Walangya, pinagsama ang aray at ouch. Bakla pa nga ang isang to. Umaasta kunong lalaki. Dahan-dahan siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin.

"Bakit ka nananadyak jan?! Ang sakit ng balakang ko. Hinayupak kang babae ka" inis na sabi niya at hinimas-himas ang balakang niya.

Napaismid ako at namulsa. "Let's eat"

"Oh kailangan ba mananadyak ka ha?! Kakain lang eh!" kakamot-kamot sa pisnging saad niya at hinawi ko. "Tabi nga! Tch panira!"

Aba! Gumaganti ata to kanina sa ginawa ko. Kapal ng ampog ang putik! Sinundan ko nalang siya ng tingin na naglalakad papunta sa banyo.

Agad naman akong lumabas at dumiretso sa restaurant kung saan daw magkikita-kita. Pagpasok ko palang ay boses na ni Ann ang naririnig ko kaya hindi na ako nahirapang hanapin sila.

Nakapamulsang naglakad ako papunta sa gawi nila. Kompleto ang pamilya ko at kasama nila iyong pamilya ni Mang Tisoy.

"Anak let's eat na!" yaya sa akin ni Dad kaya ngumiti ako.

Umupo ako sa dalawang bakanteng upuan kung saan para kay bayot ang isa. Tumingin ako sa kaharap ko. Malumanay lang itong nakangiti pero hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay Mang Tisoy.

"Thank you for this lunch Mang Tisoy. Hindi talaga nagkamali si Dad na ipahawak itong isla sayo" nakangiting sabi ko.

"Naku salamat hija! Wala yun! Matagal na akong trabahador ng pamilya niyo kaya sobrang pasasalamat talaga ako sa inyo" sabi niya kaya tinanguan ko lang ito at inumpisahan ang pagkain.

"Asan pala si mamang Max?" tumingin ako kay Mike nang itanong niya iyon.

Kibit-balikat ang sagot ko at simpleng tumingin sa kaharap. Nakakunot ang noo na nakatingin sa pagkain niya. Lihim akong napangisi.

"Bakit hindi mo alam? Eh magka—"

"I'm here!" narinig ko ang boses niya kaya dumungaw ako.

Muntikan ko ng maibuga ang lahat ng nasa loob ng bunganga ko dahil sa kanya. Paano ba naman, he's wearing a shades, taki-short and floral polo black na open na open ang kitang-kita ang katawan niya with the match of leather slippers niya.

Napainom agad ako ng tubig. Walangya to. Kakain lang pero ganyan ang suot. Naghiyawan ang lahat nang nasa lamesa maliban sa akin na nakatingin sa kaharap.

The Gay's BillionaireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ