Chapter 57

879 24 5
                                    

CHAPTER 57

THE GAY'S BILLIONAIRE

"My goodness Lohr! Hindi pa ba ako sapat sayo?! How many times I told! Na akin ka lang! Naiintindihan mo?!"

Sa loob ng opisina ni Demon ay nagwawala ang babaeng si Amie. May bandage ang kamay at nakaupo sa sofa. Limang minuto na silang nakabalik sa opisina galing sa hospital, at hindi na nahinto ang pagtatalak ni Amie sa lalaki. Mula kasing umalis sila Maxine ay para nang baril ang bunganga nito na putok ng putok.

"We're on earth Lohr! Hindi kapa nakikinig sa'kin!"

Tulala at mukhang malalim ang iniisip ni Demon dahil hindi nito pinapansin ang nagwawalang nobya. Nakatingin sa labas ng bintana na halos ang nakikita at nagtataasang mga gusali ng iba't ibang kompanya. Gumugulo sa kanyang isip ang batang lalaki na nakaharap nila kanina lalong lalo na ang batang babae na hawak-hawak ng nakakakilala sa kanya.

Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit gustong gusto niya makita ang dalawang bata. Meron sa loob-loob niya na gusto niyang makausap at makasama ang dalawang bata. Pakiramdam niya ay naging masaya ang kalooban niya nang mayakap ang batang babae. Hindi man niya sinasabi kahit kanino pero matagal na niyang nararamdaman na parang may kulang sa kanyang pagkatao.

Hindi niya mawari kung ano ito kaya sa loob ng tatlong taon ay hinayaan na lang niya dahil kahit anong gawin niya wala siyang maalaala pagkatapos niyang magising sa hospital tatlong taon na ang nakakalipas. Alam niyang may kulang, may kulang sa pagkatao niya at iyon ang gusto niyang malaman.

"Ang babaeng ba iyon ang iniisip mo?! What the hell Lohr?! Are you-"

"Shut the fuck up!!"

Napatahimik si Amie at gulat lang na nakatingin kay Demon na biglang tumayo at sinigawan siya. Dahan-dahan din naman itong tumayo at nanlalaki ang matang pinukol ng masamang tingin si Demon.

"Sinisigawan mo na ako ngayon?! Aba! Ano bang nangyayari sayo!"

"Get out" wala sa oras na saad ni Demon dito.

"Talagang-"

"I said get out!" sumigaw ulit ito sa kanya.

"No!"

Nagmatigas si Amie at nagkapalitan ng masamang tingin ang dalawa. Hindi sinasadya ni Demon na sigawan ito pero dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari ay nagawa niya iyon. Huminga ng malalim ang lalaki at sinuot ang coat niya tsaka niya kinuha ang susi ng kotse na nasa itaas ng lamesa.

"If you don't want, then I am" malamig na saad nito sa babae at dali-daling lumabas ng opisina.

"Lorh! Ano ba! Bumalik ka dito!"

Hindi niya pinansin ang sigaw na yon at dire-diretso lang ang lakad nito hanggang sa makapasok siya ng elevator. Pinindot ang papunta sa garage floor kung saan naka garahe ang kanyang sasakyan. Ilang segundo pa ang hinintay niya ng tumunog ang elevator at bumukas ito. Nang makalabas na ito ay agad niyang kinuha ang susi sa bulsa at pinatunog ang alarm nito.

Nang makapasok siya sa kotse ay agad niyang ini-start ito at umalis na sa opisina. Habang nasa byahe ay tinawagan niya ang kaibigan para pumunta sa usual place kung saan sila nagkikita. At tamang tama daw na kanina pa daw doon at walang kasama. Hindi naman malayo ang lugar na yon sa opisina niya kaya agad itong nakarating.

Agad niyang pinark ang kotse niya sa VIP lane, costumer na kasi siya dito tsaka kilala na siya. Sa pinto palang ay tumango na ang malalaking tao na nakasuot ng itim na shirt at itim na shade. Nakangiti nilang pinagbuksan ito nang pinto kaya agad na nagpasalamat si Demon sa kanila. Nang maglakad siya papasok ay agad niyang nakita ang kaibigan sa kanilang pwesto. Kumakaway ito at nakangiti.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now