Chapter 17

1.6K 61 0
                                    

CHAPTER 17

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nakaupo na ako ngayon sa harap ni Angelo. Hinihintay kasi namin magising itong baklang ito. Paano ba naman kasi, nahimatay pagkatapos sabihin yun kasal kasal na iyon.

"Bakit mo naman kasi sinabi yun?" kunut-noo kong tanong sa kanya

Nagkibit-balikat lamang ito at tumingin sa akin ng seryoso.

"Ikaw? yung fiancé mo ba ang dahilan bakit ka nagkakaganyan?" seryoso pero may bahid na galit ang boses niyang tanong sa akin.

Napalunok naman ako dahil sa paraan kung paano niya ako tignan.

"Hindi" tipid na sagot ko

"Then tell me your reason!" nabigla ako dahil sa sigaw niya.

Napayuko naman ako, kailangan ko pa ba sabihin ang reason ko kung bakit ako nagkakaganito? It's useless. Hindi na nila mababalik ang nakaraan at lalong lalo na ang nawala. Dahil doon ay naikuyom ko ang aking mga kamay.

"It doesn't matter" malamig na tugon ko sa kanya at tumingin na lang sa baklang ngayon ay nakahandusay sa sahig.

"I'm your brother Maxine kaya dapat ko malaman. Siya ba ang dahilan?" pagtitimping sabi niya.

Binalingan ko naman ito ng tingin. Nang masamang tingin.

"Pwede ba wag mo na lang balikan ang nakaraan dahil wala naman kayo magagawa doon" galit na sabi ko "yung nawala ba kaya mo ibalik ha?! so don't ask me why am I like this shit now!" dagdag ko tsaka umiwas ng tingin dahil sa nag aapoy na mga mata ng kausap ko.

"So iyan ang dahilan tama?" nakangising tanong niya sakin sabay lapit sa'kin para bumulong "Diba mamamatay tao ka?" nakangising bulong nito at umayos ng upo.

Naikuyom ko ang mga kamay at nakipag-tigasan ng tingin sa kanya.

"Ikaw ang nagturo sa akin kung paano, kaya hindi ko itatanggi iyan" nakangiting sabi ko rito "Hinding hindi ako mag bibigay ng respeto sa lolo mo hangga't hindi ko nalalaman kung sino talaga ang pumatay sa kanya" seryosong sabi ko at napatiim-bagang.

Magsasalita pa sana ako ng biglang gumalaw ang baklang nakahandusay sa sahig.

"Teka... a-ano nangyari?" nagtatakang tanong niya at bumangon para makaupo ng maayos sa sofa.

Nang mapatingin siya kay Angelo ay biglang nanlaki at mata nito at sumulyap sa akin na tahimik lang na nakatingin sa kanya. Kahit kailan, nakapa OA niya. Mas bagay ata sila ni Ann, paano ba naman kasi iyon lang ang sinabi ng kapatid ko nahimatay na agad? Aba hindi sa'kin pwede yan.

"T-totoo ba yung sinasabi mo k-kanina?" kinakabahang tanong niya.

"Hindi, ayokong ipakasal ang kapatid ko sa isang bakla" malamig na sabi ni Angelo "At wag mo na tangkain iyang plano mong pagkuha sa pamangkin ko dahil mapapatay kita" dagdag niya at tumayo tsaka naglakad na patungo sa taas.

Nang mawala siya sa paningin ko ay tumingin ako sa kaharap ko ngayon. Muntikan pa akong mapausog kahit wala ng space dahil sa tingin ng isang bayot.

"Umamin ka nga lesbi, may pinatay ka na ba dati?" seryosong tanong niya na kamuntikan ko pang ikahulog sa sofa.

Narinig niya ba ang pinag-uusapan namin? Ibig sabihin gising na siya kanina pa? Kingina! Ang chismosa ng baklang ito, napatingin ako sa dinaanan ni Angelo baka nandoon pa siya. Nakahinga ako ng maluwag na wala na ito, agad kong binalik ang tingin sa kaharap ko.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now