Chapter 51

870 28 4
                                    

CHAPTER 51

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nang makarating sa mansyon ay agad akong umakyat sa kwarto ng anak ko at hinanap ang luggage niya. Nakita ko ito sa ilalim ng kama kaya agad kong kinuha at inilagay sa taas ng kama at binuksan. Sunod naman ay binuksan ko ang kabinet na naglalaman ng mga damit niya.

"Maxine, what are you doing?"

Sa halip na sagutin at lingunin ang nagsalita ay pinagpatuloy ko lang ang pagkuha ng lahat na mga damit niya. Nang masiguradong wala ng natira ay pabagsak kong ipinasok sa luggage ang mga ito. Hindi ko na inayos pa at isiniksik ko na lang ito. Isinara ko at ibinaba sa kama.

"Anong gaga—"

"Tabi" malamig na saad ko kay Angelo na sumunod pala sa'kin.

Tumabi naman siya kaya mabilis akong lumabas ng kwarto bitbit ang bagahe niya. Nang makababa ako sa sala, lahat sila ay tahimik at nakaupo lang doon. Nagsilingunan naman sila nang marinig ang mga dabog at gulong ng bagahe.

Naglakad ako papunta sa harap ni Joann, huminto ako at itinapat sa kanya ang hawak ko. Tiningnan niya ako na nakataas ang kilay.

"Bring this to his house" malamig na utos ko sa kanya na ikinataas lalo ng kilay.

"And?" taas kilay na tanong niya kaya napairap ako sa isip.

"Sunugin mo" gulat naman siyang napatayo

"What?!"

"Tss"

Hindi ko na sila pinansin o tignan man lang. Naglakad na ako papunta sa bar counter. Ng makarating ay agad kong kinuha ang tequila at binuksan. Nagsalin sa shot glass at tinungga. Napapikit ako ng maramdaman ang pagguhit nito sa lalamunan ko.

Magsasalin na sana ako nang tequila ng may biglang humila ng bote sa kamay ko at malakas na ibinato sa pader. Matalim ko itong tiningnan na masama na rin ang tingin niya sa'kin.

"Angelo!"

"Wag kayong mag-away. Angelo, panganay ka."

Imbes na makipagtalo sa kanya ay binalik ko na lang ang tingin sa harap at dumukwang para kumuha ng panibago. Agad ko naman itong binuksan at magsasalin na sana ulit nang bigla din niyang inulit ang ginawa niya kanina pati na ang baso ay sinama.

Kaya ng hindi na ako makapag timpi ay galit akong tumayo at hinarap siya.

"Ano bang problema mo?!" galit na sigaw ko sa kanya na ikinasama ng mukha niya lalo.

"Ikaw!" sigaw niya at napa sabunot sa sarili. "Ikaw Maxine! Ikaw ang problema!" dagdag niya.

"Angelo! Wag kang ganyan sa kapatid mo!"

"Max tama na oh..."

"Mga anak please!"

"At anong ginawa ko sayo?! I'm just drinking here Angelo!"

Matalim niya akong tiningnan at bigla akong napaimpit sa gulat nang higitin niya ng madiin ang braso ko.

"Noah Angelo! Bitawan mo ang kapatid mo!"

"No dad!" sigaw niya na hindi inalis ang tingin sa'kin "Disiplinahin ko lang ang isang to!" dagdag niya at napapikit ako dahil humigpit ang hawak niya.

"Kuya! Ano ba! Nasasaktan siya!" pilit ni Tristan na tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero dahil sa sobrang higpit nito ay hindi niya magawa. "Nasasa—"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now