Chapter 16

1.6K 71 2
                                    

CHAPTER 16

THE GAY'S BILLIONAIRE

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating ako sa tapat ng mansion. Nakahilera ang mga kotse na ibig sabihin ay nandito nga ang lahat. Bumaba ako ng motor at pinagmasdan ang buong paligid. Pitong taon din pala akong hindi na nakabalik at may kaunting mga pagbabago dito.

Siya kaya? Nagbago na rin ba? Naging masaya ba siya noong wala ako dito sa mansion? Mapakla akong ngumiti. Ayon nga ang gusto niya. Ang hindi ako makita.

Ilang minuto pa ako sa ganoong posisyon ng maisipan kong pumasok at harapin ang mga taong matagal ko ng hindi nakita. Pagkatapak ko pa lang sa mansion ay nanumbalik na sa akin ang mga alaalang matagal ko ng kinalimutan. Mga alaalang kung bakit ako naging ganito.

Hindi lang naman kasi ang nangyari dati sa'kin ang dahilan ko kung bakit ako umalis sa mansyon. Dahil na rin sa isang tao, sa isang tao na nangakong ibabalik niya ng buo sa amin ang napaka-importante tao sa buhay namin, lalong lalo na sa akin. Naka ilang buntong-hininga ako dahil sa masalimuot na mga alaala.

Naabutan kong nakaupo sila lahat sa sala. Nandito din ang mga magulang kong nakatingin sa akin na may awa sa mga mata nila. Binigyan ko lang sila ng matipid na ngiti at naglakad na papunta sa direksyon nila. At sa paglapit ko ay nakita ko siyang nakaupo sa gitna ng lahat. Seryoso at nakasalubong ang mga kilay nito.

"Joh-eun jeonyeog seogsa" pagbati ko sa kanya at yumuko para sa paggalang.

good morning master

Hindi ito kumibo pero tumayo ito at naglakad palapit sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa baklang ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa amin.

"Dangsin-eun-i gajog-ui bulmyeong-ye seuleowoyo! sesang-e!" bago ko pa naibalik ang tingin sa taong kaharap ko ay naramdaman ko nalang ang palad niya sa mukha ko. "I jib-eseo nawaseo aiwa hamkke dol-a oseyo?! geuligoige tto daleun gei abeojiinga?! sesang-e! Maxine Zin! wae geuleohge gojib-i senji moleugess-eoyo!" galit na galit  na sigaw niya.

you're such disgrace in this family! oh my god!, lumayas ka ng bahay at umuwi kang may anak?! at isa pang bakla ang ama?! oh my god! Maxine Zin hindi ko alam kung bakit ang tigas ng ulo mo!

Kahit hindi ako nakatingin sa mga taong nandito ay alam kong gulat ang mga ito sa nangyari. Kahit ako ay hindi ko inexpect na magagawa niya ito, kahit pa sa harap ng magulang at mga kaibigan ko. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa huling sinabi niya.

Relax Maxine, wag mo na lang patulan.

"Master" narinig ko ang boses ng ina-inahan ko. My step-mother. "Tama na po"

"What?! Kukunsintihin mo na naman iyang inutil na iyan Mandy?!" galit na tanong nito sa kanya at bumalik sa pagkakaupo. "Nakakahiya siya sa pamilya!"

Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong nasa sala at nagpapasalamat na wala dito ang anak ko. Ayokong makita niya na ganito ako at ginaganito ako. Natigil ang tingin ko sa baklang gulat na gulat ang tingin sa akin. Ngayon lang ba ito nakakita ng sinasampal? Umiwas ako ng tingin na ngayon ay napunta kila Ann at Tristan.

Awa ang nakikita ko sa mga mata nila. Ito ang pinaka-ayoko sa lahat. Yung kaawaan ako ng mga taong nasa paligid ko. Huminga ako ng malalim at binigyan sila ng tipid na ngiti. Hindi nakatakas sa'kin ang pagpunas ni Ann sa mukha niya.

Tss. Napaka-iyakin talaga niya.

"Dad sumosobra na man po ata kayo. Anak ko parin ho yan" malumanay na sagot ni daddy.

Napatingin ako sa kanya. Alam kong nagtitimpi na sa galit ito dahil nakasarado na ang kamao niya.

"Alam ko Ricardo! Pero hindi nagbabago ang anak mong iyan! Look herself now! is that we called woman!" turo nito sa akin.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now