Chapter 37

1K 41 9
                                    

CHAPTER 37

THE GAY'S BILLIONAIRE

Napabaling ang lahat kay lesbi ng magsalita ito. Inikot niya ang paningin sa lahat na para bang may hinahanap. Ilang lingon pa ang ginawa niya ng mapadako ang tingin niya sa isang espasyo na medyo madilim at malayo sa kanya.

Sa pwesto ko

Nakita ko kung paano nagkaroon ng galit sa mata niya at kung paano niya pinaigting ang pangga. And I find it so cool! Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Yung sobrang galit at parang sasabog like a bomb.

May biglang humarang kay lesbi kaya napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap niya. Matalim ko itong tinignan kahit nakatalikod siya sa pwesto ko. Nakita naman niyang nakipag eye to eye ako sa lesbi ko! Nakakaimbyerna!

"Nasaan ang boss mo?" malamig na tanong ni lesbi.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong matalim niya itong tinitignan. Maya-maya pa ay humalakhak ang lalaking kaharap niya. At namulsa.

"Boss? You mean Mowti Cy?" natatawang sambit nito sa pangalan ng boss niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi ko na narinig ang boses niya. Tinignan ko ang pamilya ko. May takip ang bibig ng mommy ko at si daddy.

Nakita ko kung paano mahirapan ang mommy ko at tuloy-tuloy ang agos ng luha niya at ganoon din si daddy. Alam kung hindi sila sanay sa ganito. Kahit naman ako. Napaisip tuloy ako. At napatingin sa pamilyang Novicio na ngayon ay parang wala lang sa kanila ang nangyayari. Ni hindi ko man lang sila nakikitaan ng takot sa mga mata nila.

Sino ba talaga kayo?

Hindi lang kayo simpleng tao sa mundong to.

Nananakit ng tao

Pumapatay ng tao

Maraming kaaway

At higit sa lahat

Hindi ko masyado kilala ang pamilyang ito. Lalo na ang babaeng gusto ko.

"Let me rephrase that, Where's your fucking father?"

Father?!

Nakita kong natigilan ang lalaking kaharap niya. Father? Ibig-sabihin ay ama niya si Mr. Cy? At hindi siya bodyguard? Nakakalowka! Anak siya nung—

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nanlalaki ang mata ko ng yumuko ito at alam kung sobrang lapit ng mukha niya sa lesbi ko!

"That's why I like you for being smarter than smart people also. And that's my taste for one woman, it's you"

Anong?!

Anong sinasabi niya?! Bakit may I like you pa?! Like duh?! Kukunin niya tapos sasabihan ng ganown?! Ha!

"Enough Renzo"

Isang malaki at ma-autoridad na saway ng lalaking boses. Alam ko ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko. That fucking chinese old man! Lumapit siya sa pwesto ko. Matalim ito kung makatingin sa akin na tinapatan ko rin. Akala ba niya natatakot ako?! Ha!

"Welcome to my mansion Montenegro" nakangising saad niya nang makalapit siya sa tabi ko.

Tumingin ako sa pwesto nila lesbi na ngayon ay nakatayo na ang lalaki. Nakita ko sa mga mata niya na ang galit.

"Your mansion is too old" seryoso kong sabi at tumingin sa kanya ng masama "Like you old man!" bulyaw ko na biglang ginawaran niya ng isang sampal.

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now