Chapter 13

1.8K 74 2
                                    

CHAPTER 13

THE GAY'S BILLIONAIRE

JOANN NAVARRO

Oh? Akalain niyo! may point of view din pala ako haha. Akala ko kasi si Max lang at si Fafa Demon ko hihi.

Anyway, the highway!

Papunta na ako ngayon sa bahay ng hampaslupang damuho at kasama ko lang naman ang unico hijo ng Maxine natin! Haha kingina! unico hijo his face!

"What's wrong with you tita? Your face look like you want to kill someone. Tss so disgusting" nakangiwing saad ng kasama ko.

Tiningnan ko naman siya ng masama.Tignan niyo to! Akala mo hindi matanda kausap! Hmp!

"Oo peste ka! ibabangga ko tong kotse ng mamamatay tayong dalawa!"

"Wag moko idamay"

Nanlalaki naman ang mata ko na tumingin sa kanya. Muntikan ko ng maapakan ang break ng sasakyan ko. Dahil sa gulat, did he talked in tagalog way?! O to the M and to the G!

"I think mom is right, You're so overreacted"

"Ahihi! Nagulat lang ako kasi syempre hindi ako sanay na nagtatagalog ka" sabi ko at pilit na ngumiti.

Peste kang bata ka. Kung hindi ka lang anak ng bestfriend and fafa demon ko. Kanina pa kita nasipa palabas ng kotse.

"Whatever" nagsalpak ito ng earphones at pumikit.

Napairap naman agad ako. Kingina! Edi hindi na ako magsasalita niyan? Kausapin ko na lang kaya sarili ko?Haha pota! nababaliw na ako.

Agad naman kami nakarating sa bahay ng mga magulang ni Max. Ng makababa kami sa sasakyan ay agad na sumalubong si Tita Mandy and Tito Jaizin, mga magulang ni Max.

"Hello hija! Ang aga mo atang hinatid si Prince ah?" tanong sa akin ni Tita Mandy at humalik sa pisngi ng kanyang apo.

Ngumiti naman ako ng malapad! Makikipag date kasi ako! ahihi Charot lang! As if naman na may jowa akong fafables no!

"Eh kasi tita si Max may trabaho tapos ako may pupuntahan" sabi ko sa kanya at umupo sa sofa

"Ganon ba?" tumango naman ako, ayaw pa yatang maniwala nito. "Saan ka naman pupunta at parang bihis na bihis ka?" sinuri pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hihi sa welcome party tita" tsaka ako tumikhim para hindi halatang kabado. Napaiwas naman ako ng tingin, dahil sa mapanuring tingin ni tito. Napansin ko lang din na kanina pa siya tahimik.

Shit! May alam ba siya? Malaking gulo to panigurado!

"Welcome party?" takang tanong ni Tita Mandy

"A-ah ano s-sa kaibigan ko dati tita! Hehe nakauwi na kasi siya eh" sabi ko na lang at umiwas ulit ng tingin.

Napalabi ako. Kingina kasing Maxine to eh! Ang sabi niya wag ko daw muna sasabihin sa mga magulang niya, nagsinungaling pa tuloy ako kila tita and tita.

Magsasalita na sana siya ng may sumingit na talipandas.

"Bakit nandito yang megaphone na yan mom?" tanong ni Tristan.

Eh sino pa nga ba? Ang hampaslupang damuho lang naman. Maka-tanong akala mo gusto ko naman pumunta dito.

Umirap ako sa kanya. For his information, dito lang naman ako dahil sa pamangkin niya!

"Ay tita! sige alis na ako ah. Tito hehe sa susunod na lang ulit" nakangiting paalam ko sa kanila at nag bow ng kaunti.

Feeling korean ako eh! Aarte kapa? Layas ka! Amp.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon