Chapter 60

1.1K 44 9
                                    

CHAPTER 60

THE GAY'S BILLIONAIRE

Pagkaalis ng doctor sa kwarto ni Demon ay agad na umiyak si Mrs. Montenegro dahil sa binalita sa kanila. Agad siyang inalo ni Mr. Montenegro, sosorpresahin sana nila ang asawa pero sila ang na sorpresa sa balita. Karga-karga ni Tristan si Lohrine, si Mike na naaawa ang tingin sa umiiyak na si Mrs. Montenegro.

Si Keith na bumuntong hininga at umiwas ng tingin sa mag-asawa. Nakita naman niyang dahan-dahan na lumabas si Ann sa kwarto kaya napatingin siya sa lahat na sobrang busy sa mag-asawa. Dahan-dahan din siyang lumabas sa kwarto at naabutan niyang nakatingin si Ann sa hallway at palinga-linga na parang may hinahanap.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay pisting yawa!" nakahawak sa dibdib na lumingon si Ann sa likod niya at nanlalaki ang mata "Keith!"

"Bakit ka lumabas?" tanong nito at tinignan ang hallway na tinitignan kanina ni Ann.

"Ginulat moko…" sabi nito at umayos ng tayo "eh kasi nakita kong lumabas si Matthew kanina pero nung sumunod na ako, bigla nawala" kunot noo nitong sabi.

"And?"

"Kasi Keith kaninang umaga sabi niya sa'kin bibili siya nang ice cream" sabi nito at inaalala kung ano pa ang nangyari. "pero may kutob kasi ako na hindi talaga ice cream ang pakay niya. I don't know, it's just my intuition… tara pasok na tayo"

"I think I know where he is"

"Huh?"

Napataas ang kilay ni Ann sa sinabi ni Keith. Tumingin pa siya sa hallway at tumingin ulit kay Keith. Lumapit siya ng bahagya sa kaibigan at bumulong…

"Iniisip mo ba ang naiisip ko?"

Tinulak naman ni Keith ang mukha ni Ann palayo sa kanya gamit ang kamay nito.

"Let's go"

Naunang naglakad si Keith at sumunod si Ann sa kanya. Pumasok sila sa elevator at pinindot ni Keith ang floor na para sa doctor, lalong nagtataka si Ann kung bakit doon sila pupunta, pero nanatili na lang siyang tahimik at hinintay na makarating sila doon. Nang tumunog ang elevator kasabay nun ang pagbukas ng pinto kaya agad silang lumabas.

Lumiko sila ni Keith sa isang hallway, may mga nadadaanan silang mga kwarto na paniguradong office ng mga doktor. Napahinto si Keith kaya biglang nauntog si Ann sa likod nito. Napahawak sa noo at matalim na tiningnan ang kaibigan na nakatalikod sa kanya.

"Bakit kaba humi…" pahina na pahina ang boses ni Ann dahil nakita niya sa harap nila ang kanina pa nila hinahanap "hinto…"

Nakatingin lang sila sa harap, hindi malayo at hindi malapit, sakto lang. Kaya medyo naririnig nila ang pinag-uusapan nito. Nagtataka si Ann kung bakit kausap ngayon ni Matthew ang doctor ni Demon. Nakapamulsa ito habang walang emosyong nakatingin sa doctor na tumatawa sa harap niya.

"Hahaha I told you that already right? Na baka hindi na makaalala si Mr. Demon, because of what happened to him"

Nakita ni Ann na napakuyom ng kamao si Matthew at tumalim ang tingin nito sa kausap. Tahimik lang silang nakatingin sa dalawa.

"You announced that earlier, however you're still not sure about it" seryosong saad ni Matthew sa doctor.

"Iyon ba ang dahilan bakit mo ako sinundan pa dito?" natatawang tanong ng doctor sa kanya, pero agad din namang sumeryoso "okay, kung may nasabi man akong mali, I'm sorry"

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now